Three Times Cong TV Moved Netizens with Touching Social Media Posts for Kidlat

Lowkey man sa inyong paningin, nakakakilig pa rin! Yan ang tatak Cong TV, lalo na pagdating sa pag-flex sa anak nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.

Narito ang ilan sa mga pagkakataong naantig ang puso ng netizens sa “daddy appreciation posts” ni Cong para sa kanyang unico hijo.

Sweet Daddy Cong

Bukod sa kanyang mysterios at funny image, hindi maitatanggi na sweet din ang legendary YouTube vlogger na si Cong TV sa kanyang mag-inang sina Viy Cortez at Kidlat.

Una nang naantig ang netizens nang batiin ni Cong TV ang anak nitong si Kidlat sa kanyang first birthday nitong Hulyo sa isang Instagram post.

“x100,000 ang saya ng buhay lalo nung dumating [ka] at hindi namin namalayan na isang taon ka na agad. Sobrang bilis! Mahal na mahal ka ni dada! Happy birthday, anak! Stay funcham! Muah muah!” aniya.

Driving with Kidlat

Isa pang top-trending social media post ni Cong TV ay ang pamamasyal nila ni Kidlat sa loob ng subdivision na ibinahagi niya sa isang TikTok video.

“Antukin si Bebi sa hangin ng Sta. Rosa,” biro ni Daddy Cong.

Umabot ng higit 1.6 million likes ang nasabing TikTok video, habang ang shared post naman ng parehong video sa Instagram ay mayroong higit 3.7 million views. 

Core memories with Kidlat

Kamakailan lang ay ipinasilip naman ni Daddy Cong ang ilan sa mga tagpo ng Pamilya Velasquez sa kanilang nagdaang Japan Trip.

“Hindi mo ‘to maaalala pero kami ng mama mo, habangbuhay ‘to dala,” ani Cong TV. 

Ang nasabing Instagram reel na mayroon ng higit 2.2 million views ay puno ng masasayang ala-ala nina Cong, Viy, at Kidlat habang nasa Japan. 

Hindi napigilan ng netizens na maantig at ipahatid ang kanilang reaksyon sa mga nasabing social media posts ni Cong TV.

Unang una na sa mga kinikilig ay ang fiancé nitong si Viy Cortez na present sa comment section ng lahat ng nasaing post. 

Viy Cortez: “Mahal ko kayong dalawa, lahat gagawin ko para sa inyo. Kahit pa tumblingin n’yo ko, mag-ama sa skytower.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

4 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 week ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 weeks ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.