Matapos yumanig sa social media at showbiz industry ang hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, a.k.a KathNiel, isang makabuluhang diskusyon ang hatid ngayon ni Doc Alvin Francisco para sa mga dumaranas ng pagkabigo sa pag-ibig.
Sa isang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng doctor-vlogger ang epekto sa kalusugan at pag-iisip ng mga dumaranas ng breakup gaya ng KathNiel. Nagbigay din ito ng mga tips kung paano matutulungan ang mga dumadaan sa ganitong pagsubok.
Ayon kay Doc Alvin Francisco, hindi biro ang pinagdadaanan ng mga dumaranas ng matinding kalungkutan dulot ng breakup at iba pang pagsubok sa buhay.
Aniya, hindi lang sa mental health nakakaapekto ang labis na kalungkutan ngunit maging sa kabuuang kalusugan ng isang tao.
“Ganito po kasi mag-react yung brain natin kapag nakakaramdam tayo ng emotional pain or kirot, nagse-send yan ng signal sa katawan natin na kung saan pinapabagal yung heartbeat, yung iba naman pinapabilis yung heartbeat,” paliwanag ng nasabing doktor.
Ang labis na kalungkutan din aniya ay nagdudulot ng kawalan ng gana sa pagkain, pagbabago ng chemicals at hormones na nauuwi sa hirap makatulog at mag focus sa pang araw-araw na gawain.
“Kapag overall pinag-add mo yung mga epekto na yun, bumababa yung resistensya ng katawan.”
Ang labis na kalungkutan din aniya ng mga bigo sa pag-ibig ay maaring mauwi sa depression. Paliwanag ni Doc Alvin, may dalawang klase ng depression: short term kung saan madaling mapawi agad ang lungkot; at long term kung saan nawawalan na ng pag-asa sa buhay ang isang tao.
Unang payo ni Doc Alvin para sa mga dumadaan sa heartbreak o labis na kalungkutan ay huwag pigilan ilabas ang emosyon.
“‘Wag nyo pong pipigilan yan kasi yan yung first step para maka recover yung katawan nyo.”
Pangalawa, mag focus sa sarili at gawin ang mga bagay na hindi nagagawa noon.
Ikatlo, umiwas sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inon ng alak dahil maaring bumaba ang resistensya at mauwi sa sakit.
Para naman sa mga fans na nalulungkot sa sinapit ng KathNiel, payo ni Doc Alvin na bumuo ng support system kasama ang pamilya, kaibigan, o kapwa fans na maiintindihan ang nararamdaman nila.
Watch the full vlog below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.