Isang hindi inaasahang tagpo sa Japan ang nagpaantig sa puso ng mag-asawang Team Payaman vlogger na sina Kevin at Abigail Hermosada.
Ito ay matapos nilang makasalamuha ang isang solid Team Payaman fan na umanoy natulungan nila sa pagpapagaling sa sakit na cancer.
Sa bagong YouTube vlog ni Kevin Hermosada, ibinahagi nito ang tagpo sa nakasalamuha nilang Pilipino sa Japan na nagpakilalang taga suporta ng Team Payaman.
Matapos magpa-picture kina Kevin at Abby, taos puso itong nagpasalamat dahil isa aniya ang grupo ng content creators na nakatulong upang malampasan niya ang pagsubok sa kanyang kalusugan.
“Salamat sa inyo, nung nagche-chemo [therapy] ako, kayo lang ang pinapanood ko. Pinasaya nila ako,” sambit ng hindi pinangalanang fan.
Reaksyon naman ni Kevin matapos ang nasabing pag-uusap: “Nakakatuwa naman kasi pinagaling siya, nakatulong emotionally. Na-touch tuloy ako.”
Nauna nang ibinahagi ni Abigail Hermosada ang kwento ng nakasalamuhang fan sa Japan na ikinataba aniya ng puso nilang mag-asawa.
“Hindi ko inexpect na may mga ganung tao kasi naiyak siya sa harap namin, parang naluha talaga siya,” kwento ni Abby sa kanyang Japan vlog.
“Sobrang thankful daw niya dahil isa raw kami sa mga nakatulong sa kanya sa pagpapagaling niya sa sakit niya na cancer, pero happy naman ako na isa na siyang survivor,” dagdag pa nito.
Dahil dito, hindi na pinalampas ni Abby ang pagkakataon na pasalamatan ang iba pang taga suporta ng Team Payaman sa pagsubaybay sa kanila.
“Sobrang thankful din kami, wala din naman kami dito kundi dahil sa inyo. Kaya super thank you sa support na binibigay niyo sa’min and syempre dahil sa inyo magpapatuloy pa kami at magpupursige pa kaming mag vlog para sa inyo.”
Watch the full vlog below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.