Japan Part 2: Horror Story, Food Trip, and More by Pat Velasquez-Gaspar

Sagot muli ng Team Payaman member na si Pat Velasquez-Gaspar ang isa pang pasilip sa kanilang nagdaang Japan Trip.

Samahan ang biggest vlogger group sa ikalawang parte ng kanilang masayang Japan escapade bago sumabak sa pagpapasaya sa Team Payaman Fair.

Japan Part 2

Isinama ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang mga manonood sa ikalawang parte ng kanyang 

Japan trip vlog.

Bago tuluyang mag-saya sa pamamasyal, isang makapanindig-balahibong karanasan ang ibinahagi ni Eve Marie Castro, a.k.a “Madam” – ang executive assistant nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez. 

Kwento nito, laking gulat niya nang may marinig na kakaibang tunog sa gitna ng tahimik na gabi sa kanilang tinutuluyan sa Japan. 

“Laking gulat ko kasi bigla na lang may umiiyak d’yan sa may tabi, eh wala naman kaming kasama nun!” kwento ni Madam.

Matapos ang kanilang nakakakilabot na kwentuhan, namasyal na ang Team Payaman kasama ang mga magulang ni Pat na sina Mama Revlon at Papa Shoutout.

Kasama si Baby Isla, nilibot nila ang Osaka Aquarium Kaiyukan upang makakita ng ilang aquatic animals.

Matapos ang mahabang araw ng pamamasyal, hindi nila pinalampas ang pagkakataon na masubukan ang ilang authentic Japanese dishes gaya ng Takoyaki at Shabu-Shabu.

The Next Day

Para sa kanilang ika-apat na araw sa Osaka, binisita naman ng Team Payaman ang sikat na tourist spot na Nara Park, o ang Deer Park ng Japan.

Labis na natuwa si Pat dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan na nito ang mga usa na aniya ay napanood lang niya sa TikTok. Kaya naman hindi nito pinalampas na masubukang magpakain ng mga usa sa Nara Park. 

Matapos mamasyal, dumaan muna sa mall ang grupo upang mamili ng mga kasuotang na angkop sa panahon ng Japan.

“Mga beshie, nakaltasan na naman tayo ng 8,000! Para sa aking ‘tong mga nabili ko,” kwento ni Pat.

 Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.