Feel the Spirit of Christmas at Team Payaman’s Congpound Houses

Ramdam na ramdam na talaga ang simoy ng Pasko sa Congpound dahil back-to-back Christmas decor preparation vlogs lang naman ang hatid sa atin ng Team Payaman! 

Silipin kung paano pinaghandaan ng Content Creator House at Team Giyang Residence ang pagpapaganda sa kani-kanilang tahanan bilang pagdiriwang sa nalalapit na Kapasukhan. 

Mommy Vien Christmas Decor Shopping

Sa bagong YouTube video ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi nito ang ginawang Christmas decor shopping para sa Team Giyang Residence. 

Bago pa man mag bakasyon sa Japan ay inayos na ni Mommy Vien ang kanilang Christmas decors, partikular na ang kanilang Christmas Tree. 

Ayon kay Vien, request ng kanyang mister na si Junnie Boy na magkaroon ng White Christmas theme sa kanilang bahay kaya naman dumayo pa ito sa Dapitan Arcade upang mamili ng murang decorations. 

Kwento ni Mommy Vien, nakabili siya ng 7ft Christmas Tree sa halagang P2,500 na perfect sa pinapangarap nilang White Christmas vibe. 

Pag-uwi ay sama-samang binuo nina Junnie, Vien at iba pang Team Giyang household ang nasabing Christmas tree at iba pang Christmas decors.

Content Creator House Shopping

Samantala, sama-sama namang namili ng Christmas decors ang Content Creator House housemates na sina Clouie Dims, Abigail Campañano-Hermosada, Aki Angulo, at Yow Andrada.

“Ilang days na lang Christmas na! De-designan lang namin ng very light yung bahay kasi medyo may kaguluhan siya ‘di ba? Dadagdagan lang namin yung kalat!” biro ni Clouie sa kanyang bagong vlog

Gaya ni Mommy Vien ay sa Dapitan Arcade rin namili ang grupo ng kanilang Classic Christmas decor with red, green, and gold motif. 

Pag-uwi ng bahay ay sama-samang inayos ng Content Creator House peeps ang nabiling Christmas tree na talaga namang nagparamdam ng simoy ng Pasko sa kanilang tahanan.

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.