Hindi pinalampas ni Abigail Campañano-Hermosada ang pagkakataon na mag food trip habang nasa gitna ng bakasyon sa Japan.
Bilang resident baker ng Team Payaman at TiBabi’s Kitchen, minabuti ng misis ni Kevin Hermosada na tikman ang masasarap na putaheng sa Japan lang nito matitikman.
Bago pa man lumipad patungong Japan ay inamin na ni Abby kung gaano siya ka-excited para sa nasabing bakasyon.
Bukod kasi sa makakasama nila ang buong Team Payaman, Japan din aniya ang dream honeymoon destination nila ng mister na si Kevin.
Pagdating sa kanilang tutuluyang AirBnb, binigyan muna ni Abby ang kanyang mga manonood ng isang quick room tour.
Kinabukasan ay sinimulan na ni Abigail Campañano-Hermosada ang kanyang pakay sa Japan, ang mag food trip ng authentic Japanese food.
Unang sinubukan ng mag-asawa ang authentic Strawberry Mochi na inakala ni Abby na may palamang tsokolate.
“Hindi pala siya chocolate, alam mo yung hopia, yung nasa loob? Tapos mochi sa labas, tapos may konting asim ng strawberry, sarap! Ang ganda ng combination tapos ang lambot!” ani Mrs. Hermosada.
Sunod na hinatulan ni Abby ang mga authentic Japanese meal sa kinainan nilang restaurant.
“Ang sarap ng tea nila dito! Kakaiba yung tea kasi yung mga sine-serve sa’tin medyo matapang, ito very light lang tapos yung after taste niya iba rin.”
Bukod sa tsaa ay nag order din sila ng Bento o Japanese packed meal na ayon kay Abby ay sulit para sa presyo nito.
“Medyo pricey man sya, masasabi kong sulit na sulit kasi ang dami saka masarap siya.”
Samantala, kahit malamig ang panahon ay tumikim din ng matcha ice cream si Abby na para sa kanya ay 30% lang aniya ang lasang matcha.
“Ito honest review lang naman, masarap naman siya pero hindi siya super lasang matcha. Pero masarap siya, goods na rin and natupad yung pangarap ko na kumain ng ice cream sa malamig na lugar.”
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.