Boss Keng, Junnie Boy Reveal ‘Last Meal’ Wish in Agassi Ching’s Fun Challenge

Isang kakaiba at nakakatuwang YouTuber’s “Last Meal Challenge” ang hatid ngayon ng content creator na si Agassi Ching sa kanyang latest vlog.

Alamin kung ano nga ba ang hihilingin ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie Boy para sa kanilang last meal. 

Junnie and BK’s Last Meal

Ayon kay Aga, ang nasabing challenge ay hango sa kanyang kagustuhang malaman kung anong klaseng pagkain ang kakainin ng kanyang mga virtual guests kung sakali man na gumuho ang mundo.

Unang tinanong ni Aga ang King of Parlor Games ng Team Payaman na si Boss Keng sa kanyang hihilinging last meal.

“Si Pat! De, Adobong Baboy!” biro ni Boss Keng. 

Game na game namang sinubukan ni ni Aga kasama ang kanyang ina ang masarap na Adobong Baboy.

“Hmm, ang asim! Masarap ‘to pag may kanin!” aniya.

Binigyan naman ito ni Aga ng 7/10 na puntos habang ang kanyang ina naman ay nagbigay ng 10/10. 

Sunod namang inusisa ni Aga ang isa pang Team Payaman member na si Junnie Boy sa kanyang hihilinging last meal.

“Papaitan!” rektang sagot naman ng kapatid ni Cong TV.

“Favorite ko din papaitan, pareho tayo [Junnie]! Masarap ‘to lalo na sa dinuguan,” kwento ng ina ni Aga.

Ani Aga: “Thank you Junjun, ang sarap!”

Dito rin inamin ng mommy ni Aga na labis siyang naaliw kay Junnie Boy.

“Hindi ko pa napapanood vlog mo, natatawa na ako sa’yo. Nakakatawa mukha ni Junjun, sa totoo lang” aniya.

Samantala, gaya kay Boss Keng, 7/10 ang puntos na ibinigay ni Aga habang perfect 10 naman ang ibinigay ng kanyang ina sa Papaitan last meal ni Junnie Boy.

Agassi Ching at TP Fair

Isa si Agassi Ching at nobya nitong si Jai Asuncion sa mga mga bigating vlogger at social media influencer na dapat nyong abanga sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up.

Samahan ang JaiGa at JaiGa Merch sa TP Fair sa darating na December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia. Tara na po ulit!

Pwedeng pwede pang bumili ng tickets sa www.teampayamanfair.com at makiisa sa pinakamasayang bazaar fest ngayong taon!

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.