Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip na ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilan sa mga tagpo sa all-out trip ng Team Payaman ilang linggo matapos lumipad ang grupo sa Japan.
Tunghayan ang mga kaganapan sa likod ng masayang bakasyon ng Team Payaman bago tuluyang maghatid ng saya sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa Disyembre.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilang kaganapan sa kauna-unahang out of the country trip ng buong Team Payaman.
Inamin ni Pat na isa ang byaheng ito sa mga espesyal na kaganapan sa kanilang grupo dahil kumpleto ang buong Velasquez Family.
“Maraming mangyayari sa buong trip na ‘to kaya sobrang excited ako. First out of the country namin ‘to [kasama si Isla]!” kwento ni Mommy Pat.
Paglapag sa Japan ay sabay-sabay na kumain ang Team Payaman at ibinahagi ng mga ito ang kanilang kasabikan sa pagkain ng authentic Japanese cuisine.
Pagtapos kumain ay namasyal ang mga ito sa malalapit na pasyalan sa kanilang tinutuluyang AirBnB.
Kinabukasan ay game na game nang nilibot ng Team Payaman ang Land of the Rising Sun, suot ang kanilang winter clothes dala ng malamig na panahon.
Hindi pinalampas ni Pat ang pagkakataon na alamin ang kanilang swerte sa isang fortune machine sa Kyoto kasama ang kanyang ate Venice Velasquez.
Isa rin ang pinakasikat na Arashiyama Bamboo Grove sa mga dinayo ng Team Giyang at Team Boss Madam upang makakakuha ng mga litrato.
Matapos ang mahabang pamamasyal, kinita ng Team Giyang at Team Boss Madam ang grupo nina Cong TV at Viy Cortez upang sabay-sabay na mag-hapunan.
Kaya naman all-smiles ang Team Velasquez para sa kanilang kauna-unahang family photo sa Japan.
Watch full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.