Doc Alvin Francisco Educates Viewers on Avascular Necrosis Condition of Angelica Panganiban

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang latest vlog ng aktres na si Angelica Panganiban, kung saan ibinahagi nito ang kanyang sakit na Avascular Necrosis. 

Upang mas matulungan maliwanagan sa nasabing kondisyon ang netizens, minabuti ni Doc Alvin Francisco na gumawa ng reaction video at nagbahagi ng kaalaman sa sakit ng aktres. 

Hip pain

Base sa kwento ni Angelica Panganiban, nagsimula ang kanyang sakit nang makaramdam siya ng paulit-ulit na pananakit ng balakang. Nagsimula aniya ito nang ipagbuntis ng aktres ang kanyang panganay na anak na si Amila Sabine Homan, a.k.a Bean.

Matapos ipanganak si Bean ay nararanasan pa rin ito ni Angelica, kaya naman minabuti niyang magpatingin sa doktor. Dito na nila napag-alaman na mayroon siyang Avascular Necrosis o sa madaling salita ay bone death. 

Dahil dito, kinailangan kuhaan ng dugo ang aktres at ipadaan sa Centrifuge upang paghiwa-hiwalayin ang components ng dugo gaya ng red blood cell, white blood cell, plasma, at platelets. 

Ginawa ito upang mabigyan ng platelet-rich plasma (PRP) si Angelica na ayon kay Doc Alvin ay nakakatulong upang mapabilis ang recovery at muling buhayin ang kanyang buto. 

Avascular Necrosis

Paliwanag ng YouTuber doctor, ang Avascular Necrosis ay pagkakaroon ng patay na buto sa katawan ng tao.

“Ang ibig sabihin ng Avascular ay walang blood vessel or walang blood supply. Necrosis ibig sabihin patay o tunaw. Walang blood supply, natunaw yung buto,” ani Doc Alvin Francisco. 

Kadalasan aniya ay sa balakang tumatama ang Avascular Necrosis, ngunit maari rin itong mangyari sa iba pang bahagi ng buto.  

Pangunahing dahilan aniya ng nasabing sakit ay ang labis na pag gamit ng steroids sa katawan. 

“Hindi lang po steroids, pwede ring trauma. Dati ka sigurong na-aksidente tumama yung dito sa hips, hindi nakita na may depirensya na pala. Tumagal yung panahon, nawalan ng blood supply yung buto.”

Dagdag pa ng YouTuber doctor, ang labis na pag-inom ng alak ay maari ring maging sanhi ng Avascular Necrosis dahil nakakaapekto ito sa blood vessels. 

Samantala, si Doc Alvin at ang negosyo nitong “Treat Me Pls Korean Fruit Milk” ay isa sa mga social media influencers at produktong aabangan sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Reveals How Fatherhood Changed His Life

Naging espesyal ang pinakabagong episode ng DougBrock Radio Podcast nang imbitahan ni Douglas Brocklehurst, a.k.a.…

16 hours ago

Netizens Applaud Team Payaman’s Junnie & Vien’s Pickleball Journey

Sa dami ng ginagawa bilang mga magulang at content creators, mahirap isipin kung saan pa…

16 hours ago

Yow Andrada Shares Inspiring Reflection in Latest Vlog

Kilala sa kanyang mga humorous vlogs, ngayon ay mas seryosong usapan naman ang hatid ng…

1 day ago

Must-Try Food Stops in Bangkok According to Abigail Campañano-Hermosada

Sa kaniyang pinakabagong vlog, muling ibinahagi ni Abigail Campañano-Hermosada kasama ang kanyang asawa na si…

2 days ago

Clouie Dims and Tita Krissy Achino Explore 7-Eleven Vietnam Finds

Bago tuluyang matapos ang kanilang all-girls Vietnam trip, hindi pinalampas ni Clouie Dims na masubukan…

6 days ago

Dudut Lang Satisfies Team Payaman Girls’ Ultimate Cravings in a New Vlog

Muling pinaglutuan ng resident cook ng Congpound na si Dudut Lang ang kanyang kapwa Team…

6 days ago

This website uses cookies.