Isa na namang cooking hack ang hatid sa atin ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, na talaga namang sakto sa inyong handa para sa Noche Buena!
Alamin ang mga hakbang sa paggawa ng Air-fried Lasagna na swak sa budget para sa inyong hassle-free merienda.
Sa bagong vlog ni Chef Enn, ibinahagi nito ang mga hakbang sa paggawa ng lasagna gamit ang air fryer!
Agad na namili si Chef Enn ng mga rekadong gagamitin para sa kanyang easy-to-cook lasagna:
Para naman sa sauce, gumamit siya ng butter, flour, milk, salt, pepper, at cheese para mas maging malasa ang sarsa.
Unang ginayat ni Chef Enn ang mga sangkap at saka pinakuluan ang mga lasagna sheets sa loob ng pitong minuto.
Sunod naman nitong inihanda ang lasagna sauce na sinimulan niya sa paggisa ng ilang sangkap at saka ibinuhos ang tomato paste, baka, asin, paminta, tomato sauce, patis, at asukal.
Para naman sa topper ng lasagna, nag-init muna ng butter si Chef Enn sabay halo ng harina, 500ML gatas, asin, at keso.
Sunod na inilagay ni Chef Enn ang lasagna sheets, lasagna sauce, at lasagna topper sa air fryer, na kanyang ininit sa loob ng 15-20 minuto sa init na 180C*.
Matapos magluto, ibinida na ni Chef Enn ang kanyang air-fryer-made lasagna na talaga namang perfect sa merienda o pang Noche Buena!
Samantala, sa isang Facebook post, ibinahagi ni Chef Enn na kabilang siya sa bagong Netflix serye na “Replacing Chef Chico.”
Ang nasabing Netflix series ay pinagbibidahan ng mga batikang aktor na sina Piolo Pascual, Alessandra de Rossi, at Sam Milby.
Marami naman ang natuwa sa bagong break ng naturang Chef kung kaya’t inulan ito ng mga pagbati sa nasabing Facebook page.
Leomar Cordero: “Nice one Chef!”
DMs Boongaling: “Yaaan, Chef Enn! Congrats!”
Cherrie SJ – Gatpayat: “Nice, Chef Enn! Congrats!”
Charmaine Mallari-de Guzman: “Wow congrats Chef Enn!”
EJ Baliton: “Yaown, congrats Chef Enn!”
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.