Cong TV’s Special Guest in the New Episode of ‘Learn With Papa Cocon’ Revealed

Kamakailan lang ay nagbalik si Cong TV sa katauhan ng karakter ni Papa Cocon na ginawa niya upang mas mapalapit sa anak na si Kidlat. 

Patok na patok sa netizens ang bagong pakulo ni Papa Cocon, ngunit mas kinagiliwan ng mga manonood ang special guest nito na nagpamalas ng napaka-cute na boses.

Papa Cocon 2.0

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, ibinahagi nito ang bagong episode ng “Learn With Papa Cocon” sa pamamagitan ng isang commerical para sa Pampers Philippines. 

Sa pangalawang pagkakataon, gumawa ng educational video si Cong TV para sa panganay na anak nila ni Viviys na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Nagsilbing special guest ni Papa Cocon si Kidlat sa nasabing episode. Bagamat hindi ipinakita ang mukha ng isang taong gulang na YouTube baby, rinig na rinig naman ng mga manonood ang napaka cute na boses nito. 

Voiceover BTS

Samantala, sa isang Facebook post, ipinasilip ni Viy Cortez ang ilang tagpo sa likod ng camera habang ginagawa ni Cong TV ang nasabing episode ng “Learn With Papa Cocon.”

Dito makikita ang panganay nila na game na game na sumasagot sa mga katanungan ng kanyang Papa Cocon, na narinig ng mga manonood sa vlog. 

Sa nasabing behind-the-scene footage makikita si Kidlat na sinasambit ang mga salitang mommy, daddy, why, uh-oh, no, clue, at iba pa. 

Labis namang ikinatuwa ng netizens ang partisipasyon ni Kidlat sa bagong episode ng “Learn With Papa Cocon.”

Hanah Villanueva: “Wow boses pala talaga ni kidlat! Ang cuteeeeeeeeeee!”

Lorena Cando: “Ang talinong bebe!”

Jenelyn Bantolinao-Cervantes Galam: “galing2 nmn kidlat mag salita..tamang desisyon ung pinaOperahan nyo sya nung baby pa sya..malinaw sya mag salita.”

Smilax Caliagan: “Na enjoy ng baby ko ang interaction nyo po ni Kidlat in this video kesa don sa last PAPA COCON Video nyo po , ang cute cute cute ni Kidlat!”

Watch the BTS clip here: https://www.facebook.com/Viviysofficial/videos/1864393817311115

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.