Vien Velasquez and Junnie Boy Celebrate Mavi’s Birthday by Donating to Charity

Bago pa man lumipad at magbakasyon sa Japan, isang back-to-back bonding na ang inihanda ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang ang kaarawan ng panganay nilang si Mavi. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang ilang bonding moments nila ni Mavi na kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang 5th birthday. 

Bukod sa pagkakaroon ng artistic bonding, nag bake din ang mag-ina at nag donate pa ng mga regalo sa charity. 

Kick-Off Birthday Celebration

Bilang maagang pagsalubong sa birthday month ni Mavi ngayong Nobyembre, minabuti ni Mommy Vien Iligan-Velasquez na maghanda ng iba’t-ibang aktibidad na tiyak na ma-eenjoy ng kanyang birthday boy. 

Unang sumabak ang mag-ina sa isang Artistic Creation bonding sa pamamagitan ng paggawa ng food art. Sa tulong ng Krim Stix, gumawa ng iba’t-ibang makukulay na snacks sina Mommy Vien at Kuya Mavi na perfect for Christmas. 

Sunod namang kumasa ang dalawa sa isang baking challenge sa Amore Tagaytay, kung saan gumawa ng DIY pizza ang mag-ina. 

Bagamat bagong gising, game na game na nagmasa ng pizza dough si Kuya Mavi at nag design ng order nitong pizza na ipinasalubong din niya sa kanyang Daddy Junnie Boy

Charity Donation

Hindi rin pinalampas nina Mommy Vien at Junnie Boy ang pagkakataon na maibahagi ang mga biyayang natatanggap nila para sa mga kapos-palad. 

Kaya bilang pagdiriwang pa rin sa kaarawan ni Mavi, minabuti nilang mag donate ng mga laruan at magkaroon ng munting sal-salo sa Mother Teresa Spinelli’s Treasures.

Bagamat may sakit si Mavi sa araw ng pagpunta nila sa nasabing charity, tinuloy pa rin ni Mommy Vien ang pamamahagi ng regalo sa tulong ni Junnie Boy at iba pang kaibigan. 

“Ang saya sa puso pag nakikita silang ganyan [masaya], may pagkain at mga laruan,” ani Mommy Vien. 

Pag-uwi ng bahay ay ipinakita naman ni Mommy Vien kay Mavi ang video ng mga batang nakatanggap ng kanyang regalo. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.