Bumida sa isang makapag bagbag damdaming pelikula ang Team Payaman members na sina Kevin Hufana, Mau Anlacan, at Kevin Cancamo, a.k.a Geng-Geng.
Ang short film na pinamagatang “Taong Grasya” ay kalahok ng kanilang klase para sa Theology Month Short Film Festival ng San Beda College Alabang.
Dito ipinamalas nina Mau at Geng-Geng ang kanilang natatangging kakayahan sa pag-arte, habang lumutang naman ang galing sa pagsulat ng kwento ni Kevin Hufana.
Ang short film na Taong Grasya ay kwento ng isang palaboy na si Nardo na ginampanan ni Kevin Cancamo, a.k.a Geng-Geng. Lumaki sa bahay ang ampunan si Nardo at nangarap na balang araw ay may mabuting pamilyang kukupkop sa kanya at makakatulong na matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Kalaunan ay naging palaboy si Nardo, pero bukod sa panglilimos ay nakaugalian na nitong mamahagi ng Salita ng Diyos sa mga taong napapadaan sa simbahan.
Lingid sa kaalaman ni Nardo na ang mga kapirasong papel na ipinamimigay nito nakakapukaw ng damdamin ng iba’t-ibang taong may pinagdadaanan sa pang araw-araw.
Ngunit sinapit ni Nardo ang isang hindi inaasahang pangyayari na nagpa-antig sa puso ng mga manonood.
Samantala, isang makabuluhang papel din ang ginampanan ni Mau Anlacan na nagpakita ng kanyang kakaibang talento bukod sa pagsayaw.
Sa halos labing siyam na kalahok sa nasabing Short Film Festival ng San Beda College Alabang, nag-uwi ng iba’t-ibang parangal ang “Taong Grasya.”
Pinarangalan ang kanilang entry bilang “Best Poster” at “Best Trailer,” habang tinanghal naman na “Best Actor” ang bida ng Taong Grasya na si Geng-Geng.
“First film produced by our class but already acing it. Cheers to more films in the future with you, guys.Congrats, CMS-1A!” ani Kevin Hufana sa isang Facebook post.
Watch the short film below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.