Papa Cocon Redeems Himself in New Episode of Learn with Papa Cocon

Muling nagbabalik sa isang episode ng “Learn with Papa Cocon” si Cong TV kasama ang kanyang special little guest!

Alamin kung bakit muling naging usap-usapan ang panibagong pakulo ni Papa Cocon na ngayon ay ikinatuwa na ng mga chikiting. 

Papa Cocon is Back!

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, ibinahagi nito ang isang malikhaing commercial para sa Pampers Philippines.

Sa ikalawang pagkakataon, inilabas ni Cong TV ang kanyang karakter bilang Papa Cocon na una nitong ginawa para bigyan ng educational video ang anak na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

Para sa bagong episode ng Learn with Papa Cocon, nagsilbing special guest nito ang isang taong gulang na si Kidlat at ang kanyang cute na boses. 

Layunin ni Papa Cocon sa nasabing episode ang mapasayaw si Kidlat. Naging hamon ito para kay Papa Cocon dahil tila may iniindang diaper problem si Kidlat kaya hindi makapag enjoy.

Maya-maya pa ay game na game na ring nakisayaw si Kidlat kasama ang kanyang Mommy Viy at Daddy Cong! 

Funny Reactions

Punong-puno ng kakulitan ni Papa Cocon at Kidlat ang nasabing vlog commercial na talaga namang kinatuwa hindi lang mga taga-suporta ng Team Payaman, kung hindi pati na rin ng mga chikiting.

Marami rin ang natuwa kay Kidlat na game na game na nakiisa sa mga voiceovers bilang tugon sa kanyang Papa Cocon.

Inulan naman ng kaliwa’t-kanang video entries na nagpapakita ng reakstyon ng mga chikiting na natuwa sa pagbabalik ni Papa Cocon kasama si Kidlat.

Matatandaan na sa unang episode ng Learn with Papa Cocon ay tila nabigla ang mga chikiting at nag-iiyakan sa tuwing makikita ang karakter ni Cong TV. Pero ngayon, tila nag-enjoy ang mga bata sa bagong image at kaalaman na ibinahagi ni Papa Cocon. 

@annederg: “Hahaha hindi kumukurap si Ocean ko!”

@ina.bernardo: “Ganyan daw nakakarelax ang boses mo, Cong!”

@ktel_rolac: “Umabot na ng Canada si Papa Cocon!”

@shehyeeeee: “My bebi watching Papa Cocon”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

24 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.