Bago pa man lumipad ang buong Team Payaman sa Land of the Rising Sun, nauna na nang magbakasyon sa Japan ang mag-nobyong sina Dudut Lang at Clouie Dims.
Alamin ang mga kaganapan sa likod ng Japan trip ng dalawa kasama ang pamilya ni Dudut Lang.
Sa bagong vlog ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ipinasilip nito ang mga tagpo sa kanilang recent Japan Trip.
Ani Dudut, bihira na lang magkita-kita ang kanilang pamilya dahil abala ang bawat isa sa kani-kanilang mga trabaho, kaya naman naisipan nilang magbakasyon sa Japan.
Matapos magpahinga mula sa ilang oras na byahe, kinabukasan ay sumabak na agad sa kakaibang adventure ang pamilya ni Dudut.
Una nilang binisita ang kilalang Umeda Sky Tower kung saan matapang na hinarap ng nobya nitong si Clouie Dims ang kanyang fear-of-heights.
Dahil kilala ang ina ni Dudut bilang matapang, kinontrata na nito ang kanyang ina na alalayan si Clouie sa kanilang pag-akyat sa nasabing gusali.
“Ang lamig ng kamay ko!” pangamba ni Clouie.
Maya maya pa ay umakyat na ang Team de Guzman sa nasabing Sky Tower. Hindi na napigilan ni Clouie na mapayakap na lang sa kanyang soon-to-be mother-in-law.
“Guys, guys! Nagiging mas close na ‘yung mama ko tsaka si Clouie!” buong tuwang kwento ni Dudut.
Pagdating sa tuktok ay hindi pinalampas ng grupo ang pagkakataon na kumuha ng mga litrato bilang remembrance ng kanilang Japan escapade.
Pagkatapos sumilip sa Umeda Sky Building, kinabukasan ay dumeretso ang Team de Guzman sa Universal Studios Japan.
Pagtapos mamili ng souvenirs, hindi nila pinalampas na mabisita ang Super Nintendo World kung saan nakipagbonding si Dudut sa kanyang mga kapatid.
“Sobrang saglit pa lang namin dito sa Japan pero parang sulit na agad. Ang dami ko na agad ikakarga sa aking mga bagong ala-ala!” kwento ni Dudut.
Sa huli, isiningit rin ni Dudut ang pasasalamat sa kanyang ina sa mga naging sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.
“Sobrang saya! Hinding hindi ko ito malilimutan…” ani Dudut.
Watch the full vlog below:
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.