ICYMI: Congpound’s House G Transforms as ‘Local Maligno’ for Halloween

Hindi pinalampas ni Viy Cortez ang pagkakataon na ipagdiwang ang Halloween the Team Payaman way. 

Alamin ang mga kaganapan sa likod ng pag transform nina Viviys, Cong TV, at ng buong House G bilang “local maligno” nitong nagdaang Undas. 

Team Payaman Halloween

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, isinama nito ang kanyang mga manonood sa kanilang paghahanda sa Halloween party na pinangunahan ni Pat Velasquez-Gaspar.

“Syempre kaming pamilya, hindi kami magpapatalo! Sila mga [The] Avengers, kami mga lokal na maligno!” biro ni Viy.

Inatasan naman nito ang fiancé na si Cong TV na gumanap bilang Kapre sa nasabing Halloween party.

“Kapre na naman?” ani Cong.

Hindi pa man nagsisimula ang kanilang selebrasyon ay aligaga na si Viviys sa pag-aayos ng makeup at susuotin ni Cong TV.

Minabuti naman ng ibang House G residents gaya ni Ate Acar, na gumanap bilang isang nakakatakot na madre. At syempre, hindi rin nagpahuli ang napaka cute na si Kidlat sa kanyang little vampire costume.

Hindi naman pinalampas ni Ate Acar na makipaglaro at maghasik ng katatakutan sa mga bagets na bisita ni Baby Isla.

Best in Costume

Kumasa naman ang House G residents sa palaro ni Viviys, kung saan lima sa kanila ang maaaring mag-uwi ng sampung libong piso.

Ang palarong ito ay titignan kung sino ang may pinakamagandang estilo ng pananakot suot ang kani-kanilang Halloween costume.

Kabilang sa mga kalahok ng nasabing hamon ay sina Pat Pabingwit, Ate Acar, Mau Anlacan, Kevin Hufana, Lyn Anguas, Kuya Jonas, Carlo at Gabby Santos, at Geng Geng.

At syempre, hindi rin nagpahuli si Cong TV sa pag-flex ng kanyang Kapre costume na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood.

“Ako ang Pambansang Kapre!” bungad niya.

Sino kaya ang tinanghal na Best in Halloween Costume sa House G?

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

From Normal Delivery to C-Section: Mommy Pat Velasquez Gaspar’s Pregnancy Journey

Sa pinakahuling pregnancy update ni Mommy Pat Velasquez Gaspar tungkol sa kanyang pregnancy journey, ipinasilip…

4 hours ago

Rana Harake Throws A Spectacular 6th Birthday Celebration for Niesha

“Seeing your child happy is one of the best feelings in the world.” Iyan ang…

7 hours ago

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

3 days ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

3 days ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

3 days ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

3 days ago

This website uses cookies.