Abigail Campañano-Hermosada Tries to Make Ilocos Empanada ala TiBabi’s Kitchen

Isang pang malakasang all-time favorite Pinoy merienda ang hatid ngayon ni Team Payaman vlogger Abigail Campañano-Hermosada para sa kanyang mga manonood. 

Bukod sa mga pastries, pasta, at healthy snacks, sinubukan naman ni TiBabi’s Kitchen owner at baker na matutunan ang paggawa ng Ilocos Empanada. Nagtagumpay kaya si Abby sa kanyang misyon?

Ilocos Empanada ala Abby

Habang nasa probinsya, minabuti ng misis ni Kevin Hermosada na mag-aral ng bagong merienda recipe na matagal na aniya nitong gustong matutunan. 

Ayon kay Abby, excited siya dahil kadalasan lang silang bumibili ng Ilocos Empanada, pero ngayon ay gagawa siya nito from scratch. Sa tulong ni Nanay Josie ay mabilis natutunan ni Abby ang pagluluto ng nasabing merienda.

Unang inihanda nina Abby at Nanay Josie ang mga sahog na gagamitin sa paggawa ng empanada dough at mga ipapalaman dito.

Empanada dough:

  • Food Color
  • Tubig
  • Rice powder
  • Glutinous Rice Flour

Ingredients:

  • Repolyo
  • Garlic Longganisa
  • Itlog
  • Monggo
  • Bawang

Cooking Time

Sinimulan nila ang pagluluto sa pagpapakulo ng tubig na may food color at kaunting asin. Hinalo naman ni Abby ang rice powder sa malamig na tubig at saka isinalin sa pinakuluang tubig na may food color at asin. 

Pagkatapos ay hinalo na nila ang malagkit na rice powder sa glutinous rice flour saka minasa ang gagamiting pambalot sa empanada.

“So ang purpose ng ating glutinous rice flour is parang binder. Siya yung nagba-bind altogether sa ating rice powder para mabuo siya,” paliwanag ni Abigail Campañano-Hermosada.

Para naman sa palaman ng empanada, hiniwa nila ng manipis ang repolyo, nag prito ng garlic longganisa, at pinakuluan ang monggo. Sunod na ginisa ang monggo sa bawang at pampalasa at saka hinalo sa ginayat na repolyo. 

Pagkamasa sa empanada dough, nilagay na ang mga palaman gaya ng pinaghalong repolyo at ginisang monggo, garlic longganisa, at saka nilagyan ng hilaw na itlog bago balutin at iprito sa kumukulong mantika.  

“Medyo mahirap pala siya sa part na ilalagay sa mantika, dapat pala doon tayo maging expert,” ani Abby. 

Matapos ang ilang subok at na-perfect din ni Abby ang paggawa ng Ilocos Empanada.

“Pwede na ko maiwan dito, dito na ko mag business! Char!” biro ni Abby na agad namang tinutulan ng asawang si Kevin. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.