Planning to Start Your Diet? Here are Some Reminders From Doc Alvin Francisco

Isa ka rin ba sa mga na-inspire na simulan ang iyong fitness journey dahil sa fitness era ng Team Payaman?

Pwes, kung balak mong sundan ang kanilang mga yapak sa pamamagitan ng diet, siguraduhing makinig sa ilang payo ng resident medical expert ng Team Payaman na si Doc Alvin Francisco.

Diet or DIE-t?

Sa bagong YouTube vlog ng virtual doctor ng bayan na si Doc Alvin Francisco, pinagtuunan nito ng pansin ang isang kaso ng pagda-diet na nauwi sa hindi inaasahang pangyayari.

Matapos mapanood ang isang viral video kung saan napahamak ang isang babae matapos umano’y magkaroon ng hindi balanseng diet, minabuti ng TP doctor na pag-usapan ito sa kanyang YouTube channel.

Ang nasabing kaso ay hango sa tunay na karanasan ng 39-anyos na si Chingky na nag-diet sa kagustuhang maging fit at healthy. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na isa pala ito sa mga rason upang mas lalong mapahamak ang kanyang kalusugan. 

“Reminder for everyone, hindi lahat ng nakikita n’yong diet regimen sa internet is pwede sa inyo!” bungad ni Doc Alvin.

Ipinaliwanag nito na posibleng mag-deteriorate ang katawan ng isang tao kapag hindi tama ang mga pagkaing para lang magbawas ng timbang.

Base sa clip na ibinahagi ni Doc Alvin, si Chingky ay sumailalim sa “no sugar and no carbohydrates diet” sa loob ng anim na buwan, dahilan upang bumigay ang katawan nito.

Ayon kay Doc Alvin, carbohydrates ang pangunahing source ng glucose na s’yang nagsisilbing energy ng isang tao. Ang protein naman ang kailangan ng ating mga muscles, kuko, buhok, at immunity. Ang fat o taba naman ay kailangan din ng ating katawan para sa utak at mga hormones.

“‘Wag natin tatanggalin at all [yung carbs, protein, at fats] kasi may function din ito,” payo ng doktor.

Isa rin sa payo ni Doc Alvin ay ang pag-sangguni sa mga nutritionist o mga dieticians bago sumubok ng diet upang maiwasan magaya kay Chingky. 

“Ang carbohydrates ay dapat 45-65%. Ang fats ay 20-35%, and kapag protein, 10-35%. Hindi po ‘yan ang specific na para sa inyo. Nakadepende po ‘yan sa tao. Wala pong 0% d’yan dahil lahat po kailangan ng katawan natin,” aniya.

Words of Gratitude

Labis naman ang pasasalamat ng mga manonood ni Doc Alvin sa makabuluhang vlog ukol sa pagbabawas ng timbang at tamang pagkain.

@mylenepaulitasabadisto3456: “Dr. Alvin, thank God nandyan kayo. Well guided Kami. Mabuhay kayo.”

@akikomatsui1245: “Thank you Doc. Marami akong natutunan. God bless po!”

@mariajessahtapang4939: “Very informative at na explain po ng mabuti, thanks Doc Alvin po”

@hermalitosamonte4566: “Thanks for this info doc Alvin. Carbs, Protein and Fats are Goods.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

3 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

3 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.