“Sobrang sarap!”
Iyan ang naging hatol ng ilan sa mga customers na nauna nang nasubukan at natikman ang King Sisig in Jar nina Cong TV at Viy Cortez.
Noong nakaraang linggo ay pormal nang ipinakilala ng YouTube power couple ang kanilang bagong produkto sa ilalim ng King Sisig, ang King Sisig in Jar.
At nitong Sabado, November 11, 2023, opisyal na itong mabibili sa mga official Shopee, Lazada, at TikTok Shop. Dali-daling sumugod ang netizens upang matikman ang ipinagmamalaking produkto ng soon-to-wed couple.
Matapos matanggap ang kani-kanilang orders, hindi nagpatumpik tumpik ang mga customers na ipahatid sa publiko ang hatol nila sa King Sisig in a Jar nina Cong TV at Viy Cortez.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng 27-anyos na content creator at VIYLine CEO ang ilan sa mga positibong kumento na natanggap nito mula sa mga customer na unang nakatikim ng nasabing produkto.
“Ang sarap niya guys! Mapa tinapay o kanin [ipares] masarap siya. Sa sobrang sarap, paubos na agad,” ani Angellifer Pangilinan sa isang Facebook post.
“Solid neto Cong TV, Viy Cortez! Worth it sa presyo!” dagdag pa nito.
Isang customer naman ang nag-flex ng inorder niyang Pork BBQ Sisig in Jar at sinabing tila hindi aabot ng isang linggo ang nabiling isang jar.
“Ansarap! Kahapon lang naship, dumating din agad ngayon. Aabot ba ‘to hanggang 1 week haha! Mukhang hindi na kasi mauubos na din.”
Simot-sarap naman ang reaksyon ng isa pang satisfied buyer na busog na busog sa kanyang order.
“Sobrang sarap po nito! Hindi kayo magsisisi sa mga bumili ng King Sisig in a Jar, masisimot niyo talaga!”
Ang King Sisig in a Jar ay mayroong tatlong flavors: Pork BBQ Sisig, Lechon Sisig, at Lechon Sisig Bagoong na mabibili ang mula Php 225 hanggang Php 295.
Magpapahuli ka pa ba? Sugod na sa official Shopee, Lazada, and TikTok Shop ng King Sisig in Jar, o bisitahin ang VIYLine Showroom na matatagpuan sa Block 20 Lot 6 San Agustin Road, San Agustin Village, Brgy. San Francisco, Biñan City, Laguna.
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
This website uses cookies.