Pat Gaspar Gets Real and Up Close with Sister Venice Velasquez in a Q and A Session

Matapos ang kaniyang Christmas decor shopping, muling nakasama ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang ate Venice sa pag-aayos nito.

Due to public demand, muling nagsama ang Velasquez sisters sa isang makabuluhang Q and A session kung saan mas nakilala ng mga manonood ang nag-iisang Tiyang Venice.

Sisters Q and A

Ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang bagong vlog ang unti-unting pagbuo ng kanilang Christmas Tree kasama ang ate nitong si Venice Velasquez at inang si Jovel Velasquez.

Minabuti ni Pat na bukod sa pagbuo ng Christmas Tree ay lubusan pang makikilala ng kanyang mga manonood ang kanyang Ate Venice.

“Isa s’ya sa pinaka-private na tao sa buong mundo. ‘Yung IG nya, private talaga. Hindi s’ya nag-aaccept ng kung sino sino lang,” pagbubunyag ni Pat.

Nang tanungin ni Pat kung ano magiging payo ni Tyang Venice sa kanyang “younger self” ito ay ang pagtayo para sa sarili.

“Siguro it’s to learn how to fight for yourself. Kasi dati medyo nabu-bully ako noong bata, tapos ang response ko ‘dun is parang nagfi-freeze ako,” kwento ni Venice Velasquez.

Laking pasasalamat nito sa grupo ng Youth for Christ (YFC) dahil nakatulong ang mga ito sa pag-usbong ng kanyang pagiging mahiyain.

Isa rin sa mga nagpakilig kay Pat ay ang sagot ng kanyang ate nang tanungin kung ano ang pinaka-masayang alaala nito sa kanyang buhay.

“Tingin ko, ito ‘yung pinanganak ‘yung mga pamangkin ko. ‘Di ko ma-explain pero parang sila ‘yung mga bagong tao na hindi mo pa kilala, pero mahal mo na agad!” 

Ibinahagi rin nito na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi, ang isa sa kanyang mga paboritong tao dala ng kasiyahang hatid nito.

Pagdating sa kanyang mga kapatid, ibinahagi ni Tyang Venice ang tunay na ugali nina Cong TV, Junnie Boy, at Pat off-cam.

“Si Cocon tahimik lang s’ya. Parang maraming iniisip. Ang love language n’ya ay giving back. Si Junnie naman, as a brother, sweet s’ya, mas expressive s’ya. Si Pat naman, tahimik din ‘to. Pero kapag komportable s’ya sa kadakdakan n’ya, kahit makipagdakdakan ka sa kanya maghapon, push s’ya!” kwento pa ni Venice.

Touching Messages

Ipinadala ng mga netizens ang kanilang mga nakakatuwang mga mensahe matapos mapanood ang kakaibang bonding ng Velasquez sisters.

@jezzamaerecon4750: “Me, as the eldest and only daughter of an Asian household, is in pain right now after watching this. Nobody knows how I deeply crave for a sister all these years!”

@anjjsimbulan5260: “I love how they communicate and how they treat each other. Sana sa next life maging ganito kami ng fam ko or ng magiging fam ko in the future!”

@angelamanluctao: “To Tiyang Venice, hindi man po namin narinig ‘yung wish mo for Christmas, but we wish you genuine love, happiness, and peace. We love you, Tiyang!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

3 days ago

This website uses cookies.