Junnie Boy, Vien Velasquez Accepts Lie Detector Challenge

Matapos sumalang nina Cong TV at Viy Cortez sa Lie Detector Challenge, hinamon naman ni Viviys sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang mas makilala nila ang isa’t-isa.

Magkakabistuhan kaya o masusubok ang relasyon ng mag-asawang Junnie-Vien ang?

The Truth about Junnie-Vien

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, inanyayahan nito ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa Ultimate Lie Detector Test. 

Game na game namang nakiisa ang dalawa at naghanda ng mga katanungang maaaring bumuo o sumira sa kanilang relasyon.

Sa unang parte ng challenge, hindi naging mahirap para sa dalawa na sagutin ang katanungan, partikular na kung naging mabuting magulang ba sila sa anak mga anak na sina Mavi at Viela.

Ngunit tila tumaas ang tensyon sa level 2 ng challenge na kanilang sinimulan sa tanong kung nagseselos nga ba si Vien sa mga dating babae sa buhay ni Junnie.

Walang pagdadalawang isip na sinagot ni Vien na “oo” ang nasabing tanong. Agad din namang siniguro ni Junnie na walang dapat ika-selos ang kanyang misis.

Hot Seat

Pagdating naman sa ika-tatlong level, mas uminit na ang tensyon dahil tila nagkabukingan ng sikreto ang dalawa.

“May kinakausap ka bang ibang lalaki sa social media nang patago?” tanong ni Junnie Boy.

Mariin namang itinanggi ni Vien ang tanong ng asawa. Ngunit nang ibalik nito kay Junnie Boy ang tanong ay laking gulat ng dalawa sa naging resulta ng lie detector.

“Huy, Jun! Totoo ‘to! Sino kinausap mo? Alalahanin mo. Hindi ka tatayo dito!” pagbabanta ni Vien.

“Wala akong kinakausap na iba! Tignan mo pa phone ko. Wala akong tinatago sayo” sagot ni Junnie.

Payo naman ni Viy: “‘Wag ka kasing kabado!” 

Isa rin sa binigyang linaw ng dalawa ay ang kagustuhan ni Vien na muling bumalik sa pagta-trabaho at subukan na maging isang flight attendant.

“Wala kasi akong sagot d’yan eh, parang ayoko kasi na oo. Lamang ‘yung ayoko [so] no!” mariing giit ni Junnie.

Hindi naman itinanggi ni Junnie na wala itong tiwala sa long distance relationship dahilan upang hindi nito payagan ang asawa na magtrabaho ng malayo.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

View Comments

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 hours ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

7 hours ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

12 hours ago

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

6 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 week ago

This website uses cookies.