Mentos Wows Netizens With His New Fully-Geared Motorcycle

Matapos ang 30-Day Fitness Challenge, muling nagbabalik loob sa pagmomotorsiklo ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club gaya ni Michael Magnata, a.k.a Mentos.

Ipinasilip nito sa kanyang mga manonood ang bagong motorsiklo na kanyang gagamitin sa kanyang mga susunod na byahe kasama ang grupo!

New Motorcycle

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mentos ang ilan sa mga tagpo nang subukang imaneho ang bagong motorsiklo kasama ang ilang Team Payaman members.

Giyang na giyang na rin ang mga ito na masilip ang bagong motorsiklong ipinagmamalaki ni Mentos na kanyang pinangalanang “Matcha” dahil ng kulay nito.

“Si Matcha kasi minor pa. Tinesting ko muna bago ko ipinakilala sa inyo. Syempre pag may papakilala ka, itetesting mo muna!” paliwanag ni Mentos.

Bago pa man sumabak sa off-road ride, ibinahagi ni Mentos na minabuti niyang bumisita sa Watanabe Riding Development (WRD) at kay Coach Clyde ng MotoClyde upang magkaroon ng proper training at proper knowledge.

Ani Mentos, hindi niya pinalampas na subukan at kilalanin muna ang bagong motorsiklo upang maiwasan ang anumang aksidente na maaari nitong sapitin sa kalsada.

“Ang laking bagay nung training ng MotoClyde at ni [Coach] Dashi Watanabe. Ine-encourage ko ang lahat to take your training. Maglaan kayo ng time para makapag-training” dagdag pa nito.

The Reveal

Matapos ang puspusang training, ibinahagi na ni Mentos ang hitsura ng kanyang bagong Kawasaki Z H2.

Dumayo pa ng Caloocan ang Team Payaman vlogger upang mapalitan ang gulong ni Matcha para sa mas smooth at ligtas na byahe.

“Matcha [yung pangalan] kasi matcha-kit sa bulsa. Mahal!” biro pa ni Mentos.

Samantala, hindi naman naiwasan ng netizens na matuwa at mamangha sa bagong naipundar ni Mentos.

@ronellauzon8764: “Congrats sa bagong motor Kuys Mentos. Ride safe lagi vroom vroom!” 

@unidentifiedunknown: “Top of the line ‘yang naked bike! The best na ‘yan Kuya Mentos!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

21 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

23 hours ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

2 days ago

This website uses cookies.