Steve Wijayawickrama Takes Home P1M for Winning Team Payaman Fitness Challenge

Tinanghal na kampeon ng 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman ang editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama.

Sa pagtatapos ng finale ng “Medyo Hell Week” series sa YouTube channel ni Cong TV, ang Sri Lankan Team Payaman vlogger ang ginawaran ng nasabing parangal at nag-uwi ng tumataginting na isang milyong piso. 

Final plot twist

“Punong-puno tayo ng plot twist nitong mga nakaraang buwan at araw, at siyempre tatapusin pa rin natin ‘to sa plot twist,” bungad ni Cong TV

At ang nasabing plot twist ay ang pagbibitaw ng 32-anyos na vlogger mula sa nasabing kompetisyon. 

“Hindi na ako kasama sa mananalo ng 1 million pesos, dahil ngayong gabi ako ay bumababa sa posisyon ko bilang isang contestant at dine-demote ko (ang aking sarili) bilang isang host ng pa-ligang ito,” paliwanag ng Team Payaman founder. 

Samantala, para sa huling pagkakataon ay sinubok naman ang talino ng bawat kalahok sa nasabing Fitness Challenge at tinanong tungkol sa kanilang naging karanasan sa nasabing hamon. 

“Ano yung na-achieve ko (bukod sa pagganda ng katawan)? Yung mindset na meron ako. Dati takot akong mag all in sa mga bagay-bagay,” ani Steve Wijayawickrama

Payo naman ni Boss Keng sa mga nais magsimula ng kanilang 30-Day Fitness Challenge: “Kung gusto niyo, gawin niyo. Kung ayaw niyo, ‘wag nyong gawin. Alam niyo kung bakit? Sino bang mawawalan, kayo rin.”

Champion

Kinilala bilang top 3 contender ng nasabing hamon sina Boss Keng, Dudut Lang at Steve. Ibig sabihin silang tatlo ang nagkaroon ng pinaka maganda o quality transformation sa loob ng tatlumpung araw. 

Sa huli, tinanghal na kampeon si Steve na nakapagbawas ng higit 7.09 kilos mula sa dati nitong timbang na 79.5 kg. 

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang napanalunang isang milyong piso, inamin ni Steve na ilalaan niya ito para sa pag-aaral ng kanyang nakababatang kapatid. 

“Pag nanalo ako ng 1M, isa lang ang sasabihin ko talaga: Kristine, magiging doktor ka!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

1 day ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.