Ti Babi’s Kitchen Merienda Serye: 3-Way Guilt-Free Pasta by Abigail Hermosada

Bukod sa pastries, hatid naman ngayon ng resident baker and cook ng Team Payaman na si Abigail Campañano-Hermosada ang tatlong guilt-free pasta meryenda para sa inyo.

Nagugutom ka na ba? Alamin kung paano nga ba gawin ang mga masustansyang meryenda para sa buong pamilya!

Healthy Pasta

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Abigail Campañano-Hermosada ang paraan kung paano magluto ng masustansyang meryenda. 

Una na itong namili ng mga sangkap na gagamitin sa kanyang pagluluto kasama ang asawang si Kevin Hermosada.

“For todays merienda ay napakadali lang, napakadali lang ng gagawin natin guys!” bungad ni Abby.

Para sa tomato pasta sauce, gumamit si Abby ng bawang, sibuyas, kamatis, olives, hipon, tomato sauce, at parmesan cheese. Ginisa lang nito ang mga rekado at ihinalo ang hipon sa sauce upang mas maging malinamnam ito. 

“Perfect na perfect ‘to sa mga nagbui-build ng muscle, mga nagda-diet. Ito rin ay rich in fiber!” aniya.

Pagdating naman sa Pesto Pasta, gumamit ang Ti Babi’s Kitchen owner ng pesto paste, olive oil, at petso ng manok. Unang hiniwa ni Abby ang manok sa maliliit na parte sabay gisa ng bawang, sibuyas, at ng pesto paste.

Kung hanap mo naman ay may seafood, pwedeng pwede mong gawin Tuna and Mushroom Pasta gamit ang bawang, sibuyas, canned tuna, at mushroom.

Pagkatapos ihanda ang mga sauce, sunod na pinakuluan ni Mrs. Hermosada ang mga pasta na hahaluan ng mga nasabing healthy sauce. 

Ibinunyag din ni Abby na ilan lang ito sa mga hilig ipaluto ng kanyang mister dahil paborito aniya nito ang pasta.

The Verdict

Pagkatapos maluto ay agad na ipinatikim ng mag-asawang Kevin at Abby ang kanilang inihandang meryenda.

Unang tumikim ang TP editor na si Cyril Factor na hindi na maintindihan ang sinasabi dala ng kanyang pagkatuwa sa natikman.

Hindi rin pinalampas ng Team Payaman Gym Bros na sina Mentos, Burong, at Steve Wijayawickrama na masubukan ang pasta ala Abby.

“Solid!” ani Steve.

“Araw araw kang magluto, tignan mo sa December, pagkatapos mo magluto, tawagin mo lang ako. Gawa tayo ng gc!” biro naman ni Mentos.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

29 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

36 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.