Para sa ikatlong yugto ng “Medyo Hell Week” serye ng Fitness Challenge finale ni Cong TV, isang malupit na plot twist na naman ang gumulat sa mga kalahok at manonood.
Sa part 1 at 2 ng nasabing finale series na top-trending sa YouTube Philippines, sumabak ang Team Payaman boys sa “Takbong Us” at “Plane Race” na talaga namang sumubok ng kanilang pisikal na lakas.
Sa mga naunang laban din nalaglag mula sa kompetisyon sina Yow Andrada at Junnie Boy.
Para sa ikatlong pagsubok, hinamon ni Cong TV sa isang Push Up Challenge ang mga natitirang kalahok na sina Boss Keng, Dudut Lang, Bok, Mentos, at Steve Wijayawickrama.
Ibinunyag ng 31-anyos na vlogger na bago ang Takbong Us at Plane Race ay ginawa na nila ang Push Up Challenge, ngunit nagpasiya itong ipawalang bisa ang nasabing round dahil sa dami ng aberyang naganap.
Nauna nang hinamon ni Cong ang Team Payaman boys na magparamihan ng push up at kung sino ang makapagtala ng pinaka maraming puntos ay bibigyan niya ng P20,000. Nanalo sa hamong ito si Carlos Magnata, a.k.a Bok na nakagawa ng 47 push ups.
Kinagabihan ay ikinasa na ni Cong ang finale challenge kung saan kailangan triplehin nila ang naunang naitalang bilang ng push up sa loob ng isang oras.
Para sa huling hamon, pinapili ni Cong TV ang mga kalahok kung maglalaban silang lima, dodoblehin ang naunang push up record at isa ang matatanggal sa kompetisyon, o kakalabanin nila si Cong TV kapalit ang P100,000 at tyansang ilaglag ito sa nasabing challenge.
Pinili ng limang natitirang kalahok na kalabanin si Cong TV, ngunit sa huli ay bigo silang talunin ito dahil nakapagtala si Cong 147 push ups.
“Kapag ako ang nanalo babalik yung limang kasamang natanggal,” pagbubunyag ni Cong.
“Ngayong nakabalik na tayong lahat, may the best transformation wins!”
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.