Isang nakakatuwang challenge ang hatid ngayon ng Team Payaman girl na si Clouie Dims kasama ang kanyang kapwa Team Payaman Wild Cats.
Minabuti ni Clouie na hayaan ang mga kaibigan na mag-desisyon para sa kanyang sarili sa loob ng isang araw. Mapagtagumpayan kaya ni Clouie ang hamon?
Sa kanyang bagong YouTube vlog, isinama ni Clouie Dims ang mga manonood sa pagtangka nitong ipa-kontrol ang kanyang araw sa mga kasamahan sa Congpound.
“Dahil wala tayong magawa, ito ang naisip kong gawin!” bungad ng tinaguriang Team Payaman Dancing Queen.
Una niyang nilapitan ang nobyong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, upang tanungin kung ano bang pwede nitong kainin bilang almusal.
“‘Yung shrimp love. Shrimp omelette taas protein mabilis pa lutuin!” payo ni Dudut.
Sunod na tinanong ni Clouie ang kaibigan na si Vien Iligan-Velasquez kung ano ba ang dapat niyang unahin, ang paglalaba o ang pagpapaligo sa asong si Bruno.
“Paliguan si Bruno, bonding kayo!” pabirong sagot ni Vien.
Dahil napagod ito sa pagpapaligo sa kanyang aso, naisipan na rin ni Clouie na maligo sa tulong ng desisyon ng kaibigan na si Kha Villes at tinanong kung saan ito dapat maligo.
“Sis, dun ka maligo samin sa baba sa kwarto malinis ‘dun sa all girls” ani Kha-Kha.
Suhestiyon naman ni Venice Velasquez na maligo ito gamit ang mainit na shower upang lalo itong mapreskuhan.
Sunod naman kinulit ni Clouie Dims si Viy Cortez sa kanyang tanong kung saan ba dapat nito inumin ang kanyang kape kung sa coffee shop o sa tabi ni Viviys.
“Sa tabi ko!” sagot ng VIYLine CEO.
Matapos mag-workout, tinanong naman n Clouie ang kaibigan na si Abigail Campañano-Hermosada kung anong flavor ng protein drink ang dapat niyang subukan.
“Creamy vanilla please!” ani Abby.
Para naman sa kanyang hapunan, tinanong nito ang kaibigang si Pat Velasquez-Gaspar kung saan ba ang magandang pwesto habang kumakain.
Biro nito: “Sa tabi ng kanal, okay na? Hahahaha. Sa gym, sa harap ng mga nagbubuhat.”
Challenge accepted naman si Clouie at matagumpay nitong nakain ang kanyang hapunan sa loob ng Congpound Gym.
Pagkakain, tinanong na nito ang kaibigan si Kevin Hufana kung ano ba ang dapat nitong suotin para sa kanyang lakad.
“Damit ni Dudut,” sagot ng kapwa TP Dancing Queen ni Clouie.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.