Tatlong buwan na ang nakakalipas nang ipanganak ni Pat Velasquez-Gaspar ang panganay nila ni Boss Keng na si Baby Isla Patriel.
Dahil dito, ikinasa na ng bunsong kapatid ni Cong TV ang kanyang Balik Alindog Program at sinimulan niya ito sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.
Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang karanasan sa pag-eehersisyo higit tatlong buwan matapos manganak.
Ayon sa first-time mom, humingi siya ng go signal mula sa kanyang OB Gyne upang makapag workout habang nagpapa-breastfeed kay Isla.
“Sa mga kakapanganak lang, consult your OB or your doctor bago kayo mag-exercise,” ani ng 25-anyos na vlogger.
Samantala, ipinasilip di ni Mommy Pat ang kanyang workout routine kung saan ginawa niya ang mga sumusunod na exercise:
Kwento pa ni Mommy Pat, hindi naging madali ang pagsubok nyang mag workout at talagang nahirapan ito lalo noong mga unang araw sa gym.
Nasanay aniya kasi ang katawan niya sa kain, tulog, at pahinga simula nang mabuntis kaya hindi naging madali na maging malakas ulit.
“Everyday na nag workout ako, nakakapag-adapt at nakakapag adjust na yung katawan ko,” ani Mommy Pat.
“Ang laking tulong sakin nung pinush ako ni Keng na mag workout at mag exercise. Nag start ako slow lang, like brisk walk, tapos jogging konti,” dagdag pa nito.
Ibinahagi rin nito ang mga naging pagbabago sa kanyang pangangatawan at kalusugan simula nang mag workout.
“Sa 2 weeks na pag work out ko, yung mga benefit sakin, gumanda yung tulog ko talaga, maganda yung supply ng gatas ko. Tapos nung nanganak ako meron akong problema sa likod, ngayon medyo nawawala na siya.”
Pagdating naman sa pagkain, malaking tulong aniya ng pag monitor sa kaniyang calorie intake at pag inom ng Curva Slimming Coffee na nagsisilbing appetite supressant.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.