Hindi lang pagluluto ang talento ni Chef Enn dahil isa rin sa kanyang mga pinagkaka-abalahan at pinagkakakitaan ngayon ay ang pagmamaneho ng kotse.
Samahan ang Team Payaman Chef na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, sa pagsubok nito ng bagong raket na maaari n’yo ring subukan.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chef Enn na bukod sa pagiging chef ng Team Payaman, may mga bago itong pinagkaka-abalahan upang kumita ng pera.
Hindi itinatanggi ni Chef Enn na kailangan niyang kumita para sa pangangailangan ng kanyang pamilya, kung kaya’t sumubok ito ng ibang raket na nakahanay sa kanyang kakayahan at hilig.
Una na rito ay ang pagpapatuloy niya sa kanyang nasimulang karera sa pagluluto. Sa ngayon, tumatanggap ang TP Chef ng mga orders ng mga pagkain para sa iba’t-ibang okasyon.
Maaaring bumili ng packed meals, party trays, bento meals, food trays, at corporate meals kay Chef Enn. Maaari lamang na mag-message sa kanyang official Facebook, Instagram o hindi kaya’y kontakin s’ya sa kanyang numero: +63972234383.
Bukod sa pagluluto, isa rin sa pinagkakakitaan ngayon ni Chef Enn ang pagpaparenta ng kanyang sasakyan at pagmamaneho nito.
“[I’m] just one call away para sa mga gustong mag-rent ng sasakyan. Car for rent Veloz 2023 with driver,” ani Chef Enn sa isang Facebook post.
Maaaring i-book ang serbisyo ni Chef Enn para sa mga magpapahatid o magpapasundo mula at papunta sa airport, na may pick up at drop off sa mga sumusunod na lugar:
Maraming netizens ang natuwa nang malaman ang diskarte sa buhay ni Chef Enn para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
@Remalynmontane: “Sobrang NAPAKA ALAGA AT RESPONSABLENG AMA MO CHEF ENN! Nakakaproud ka. Salute you po. Fighting lang, may papatunguhan din po mga pagsusumikap mo. Okay lang umiyak basta wag sumuko… DASAL, TIYAGA AT SIKAP LANG.”
@deverlyguaves9374: “Godbless you Chef! Iba kaaaa! Napakasipag at responsable mong padre de pamilya. Nakakahanga ka!”
@Fabella16: “Silent watcher ako tol. Hindi ka namin nakilala na ganyan kenneth. tiwala ka lang sa may itaas at laban lang tol. Kung ano man yang pinagdadaanan mo sana malampasan mo o nyo ng pamilya mo, kaya mo yan tol. Andyan lang palagi and Diyos sa tabi natin. God Bless tol!”
@CheskaMalabanan_: “Praying always for your family, Chef! Sana makabili kami soon ng luto niyo”
Watch the full vlog below:
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.