Bagong pang malakasang game show na naman ang hatid ngayon ng Team Payaman Game Master na si Boss Keng na pinamagatang “Kapag Gipit, Kay Boss Keng Lumapit.”
Una nang kumasa ang magkapatid na Velasquez na sina Cong TV at Junnie Boy sa mala-Who Wants to be a Millionaire serye ni Boss Keng. Maiuuwi kaya nila ang grand prize?
Sa kauna-unahang pagkakataon, sumalang ang Velasquez Brothers na sina Cong TV at Junnie Boy sa palaro ni Boss Keng.
Layunin palarong ito na mabuo ang tinatawag na Payaman Tree. Kailangang masagot ng kalahok ang sampung tanong inihanda ni Boss Keng.
Ang bawat tanong ay may kalakip na halaga ng pera na mula sa P500 hanggang sa maabot nito ang grand prize.
Kung malampasan ng kalahok ang bawat tanong maiuuwi nito ang tumataginting na isang milyong piso at Kymco Like 125 Italia Motorcycle.
May mga lifeline rin na pwedeng gamitin ang mga kalahok gaya ng Saklolo, Ask the Gipits, at BoBo Ako.
Ang bawat tanong ay patungkol sa iba’t-ibang bagay gaya ng siyensiya, common knowledge, at marami pang iba.
Si Cong TV ang unang sumalang sa hot seat, a.k.a “Payaman Chair” ni Boss Keng, kung saan deretsahan itong tinanong ni Boss Keng.
“Para ito sa future ko at sa future ng anak ko,” ani Cong TV.
Hindi napagtagumpayan ni Cong TV na maiuwi ang isang milyon dahil pumalya ito sa bugtong na itinanong ni Boss Keng.
Sunod na sumalang ang kapatid nitong si Junnie Boy na game na game ding nakiisa sa palaro ni Boss Keng.
Bukod sa isang milyong piso at Kymko Like 125 Italia Motorcycle, nagpadala ang Mobile Cart PH ng iPad kung sakaling masagot ni Junnie ang ikatlo at ika-anim na tanong.
Inulan naman ng sari-saring komento ang bagong palaro ni Boss Keng dahil marami ang natuwa sa bagong bonding ng Team Payaman.
@bretheartgregorio1886: “Tindi ng analysis ni Boss Cong “Jonald” TV. Grabe yung nakaka aliw yung content pero yung pag analysis niya [Cong TV] ang lupit.. Nagka Idea na ako sa dadating na Civil Service exam pag dating sa logic. Thank Boss Cong TV kahit talo ka may natutunan ako!”
@crystalgaylgonzales3137: “Sa dami ko iniisip at problema. Team payaman lang natatangi nagpapasaya sakin . The best ever TEAM PAYAMAN. More vlogs like this Boss Keng!”
@kylapearlbondia5377: “Sobrang stress ko na po lately sa aking academics. Dahil dito, nakalimutan ko ang stress ko. Thank you po sa pagpapaligaya sa araw ko, Team Payaman!”
Watch the full vlogs below:
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.