Sa pagpapatuloy ng kaniyang buhay bilang kolehiyala, buong tapang na ibinahagi ni Yiv Cortez ang pagsubok na kinakaharap nito bilang isang iregular college student.
Gaya ng ibang estudyante, inamin ng bunsong kapatid ni Viy Cortez na tila nakakaranas siya ng pagdududa kung tama pa ba ang tinatahak niyang karera.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng 19-anyos na vlogger at negosyanteng si Yiv Cortez kung papaano niya hinarap ang pagsubok bilang college student na patuloy na kinikilala ang kanyang sarili.
Ayon kay Yiv, isang gabi ay hindi siya makatulog nang maayos kakaisip kung ano ba ang dapat gawin sa buhay, kaya’t dinaan nito sa dasal ang kanyang mga suliranin.
“So that’s why I prayed to God, sabi ko ‘Lord, help me, di ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko. Di ko alam kung para sakin ba talaga tong tinatahak ko ngayon. So please Lord, help me, give me a sign.’ Then natulog na ko,” kwento ni Yiv.
Kinabukasan ay nagising daw siya sa isang imbitasyon na pumunta sa isang Mental Health Seminar kung saan nakasama niya ang kanyang ama na si Mr. Rolando Cortez.
“So, while I was in the middle of the seminar, I realized that was the answer to my prayer. I attended a mental health seminar. Which is related sa’kin because I’m taking BS Psychology.”
“I really don’t know if this course ba talaga ay para sa’kin. So dun ko realize na tama nga tong napili ko, because God gave me an answer to what I prayed for last night.”
Nagpasalamat naman si Yiv sa kanyang ama na nagsilbi aniyang instrumento para sagutin ang kanyang mga dasal.
Ibinahagi rin ng dalaga ang natutunan sa nasabing seminar na talaga namang tumatak sa kanyang puso at isip.
“That is if you can change, change. If you can’t change, then accept it. But if you can’t accept it, then leave it. Also, it’s okay to be vulnerable. Yun lang hehe!”
Samantala, masaya namang ibinahagi ng Padre de Pamilya ng Cortez Family na ang pagdalo nila sa nasabing seminar ay parte ng paghahanda ng VIYLine para sa inihahandang Mental Health Foundation.
“I know she’s the answer to my prayer, because my family will be putting up an advocacy for mental health that will cater for those suffering from mental illness, people with suicidal thoughts, etc.” ani Mr. Cortez na siya ring General Manager ng VIYLine Group of Companies.
“This is just the beginning Yiv. Thanks to my family,” dagdag pa nito.
Aniya, ang VIYLine CEO na si Viy Cortez ang magiging chairman ng nasabing foundation sa tulong pa rin ng kanilang buong pamilya.
Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng healthier lifestyle ngayong 2025, ngunit hindi alam kung…
Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…
Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…
The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…
Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…
A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…
This website uses cookies.