Velasquez Girls Went on an All-Girls Christmas Tree Shopping Date

Dahil nalalapit na ang Pasko, naisipan ni Pat Velasquez-Gaspar na mamili ng Christmas decors kabilang na ang kauna-unahang Christmas Tree para sa Boss-Madam House.

Walang pagdadalawang isip na sinamahan ito ng kaniyang ate na si Venice Velasquez at nanay nitong si Jovel Cortez-Velasquez.

Girls Day Out

Sa bagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, ipinasilip nito ang ilan sa mga tagpo sa naging Christmas decor shopping nilang mag-iina.

“Since September na, mamimili kami ng mga Christmas decors!” ani Mommy Pat.

Ipinagmaneho naman ni  Venice Velasquez ang kanyang mama at bunsong kapatid, kung saan nauwi sa munting Q&A session ang kanilang biyahe.

Unang tinanong ni Pat kung ano-ano ang pinagkaka-abalahan ngayon ng kanyang Ate Venice. 

“Trabaho tapos hobby hobby lang like bike, tapos pag naaya ng tropa ganyan, solo trip, solo gym, takbo, ganyan,” ani Tiyang Venice. 

Agad ding kinumusta ni Pat ang kanyang ina at tinanong kung ano ang nararamdaman nito sa pagdami ng kanyang mga apo.

“Kung maaari lang sana gusto ko silang alagaan nang sabay-sabay, kaso mahirap din kasi may maliit pa. Pero syempre masarap dahil nakakatuwa!” ani Mommy Jo, a.k.a Mama Revlon.

Samantala, kinumusta naman ni Tyang Venice ang bunsong kapatid at kung paano ito nag-addjust sa buhay bilang isang bagong ina.

“As a mom, nakakapag-adjust na rin ako kahit papano sa 3 months na pagkatapos kong manganak” pagbabahagi ni Pat. 

Christmas Decor Shopping

Maya maya pa ay narating na ng tatlo ang kanilang destinasyon at sinimulan na ang kanilang Christmas decor shopping.

“Ang goal lang natin dito ay ang mga Christmas tree!” ani Pat.

Ayon kay Mrs. Gaspar, nais niyang magkaroon ng “classic” na tema para sa kauna-unahang Christmas decorations sa kanilang bahay.

Dagdag pa ng first-time mom, talagang paghahandaan niya ang nalalapit na kapaskuhan dahil ito ang unang beses na makakasama nila ang anak na si Baby Isla sa Pasko at Bagong Taon.

Umabot sa P37,889.00 ang nagastos ni Mommy Pat para sa kanyang Christmas Tree at Christmas Decorations.

“Lahat ‘yan ipapa-reimburse natin kay Boss Keng!” biro nito.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
361
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *