Muling nagbabalik ang resident rakista persona ng Team Payaman na si Kuya Eyes na ginampanan ng LIBRE vocalist na si Kevin Hermosada.
Sa pagnanais na magsulat ng bagong kanta, naisipan nitong humingi ng tulong sa mga kasamahan sa Congpound sa pamamagitan ng on-the-spot song making challenge.
Isa sa mga agenda ni Kevin Hermosada ay magsulat ng bagong kanta para sa bandang LIBRE. Ngunit hindi maiwasang mahirapan sa paghahanap ng inspirasyon, kaya naman to the rescue ang kanyang kapwa content creators.
“Nandito si Kuya Eyes, pero syempre kasama ang buong Team Payaman dahil sila ay magbibigay sa atin ng lyrics ng kanta!” bungad nito sa kanyang vlog.
Ang bawat kalahok ay bibigyan ng isang salita o keyword na kailangang ilapat nila sa kanta upang makabuo ng pangungusap na maaaring gamitin bilang liriko.
Unang sumalang ang misis ni Kevin na si Abigail Campañano-Hermosada na kailangang makabuo ng pangungusap gamit ang salitang “tinapay.”
Sunod namang kumasa si Boss Keng gamit ang salitang “Boss.” “‘Pag ako ang minahal mo, ikaw ang boss ko,” biro nito.
Hindi naman nagpahuli si Viy Cortez sa pagpapamalas ng kanyang kakayahan sa pagkanta gamit ang salitang “makeup”
Biro ni Viviys: “Love [Cong], ang makeup na ito ay para mas matakam ka!”
“Damit” naman ang salitang napunta para kay Vien Iligan-Velasquez na kanyang pabirong inilapat sa isang pangungusap.
“Kapag feeling mo nakukulangan ka, dadamitan kita” ani ng MuyVien Apparel owner.
Hindi rin nagpahuli ang asawa nitong si Junnie Boy na binigyan ng keyword na “Giyang” na hango rin sa kanyang negosyo.
“Giyang na giyang akong makuha ka dahil matagal nang akong umiibig sa’yo,” banat ni Junnie.
Magpapatalo ba ang nag-iisang Pat Velasquez-Gaspar? Game nitong inilapat ang salitang “kurba” hango sa negosyo nitong Curva Slimming Coffee sa pa-challenge ni Kevin.
“Dito ka na lang sa piling ko, kung kaya’t ako’y magpapakurba [sa’yo],” sagot nito.
At syempre, tinapos ni Kevin Hermosada ang kanyang hamon sa pagkasa ni Team Payaman founder Cong TV gamit ang salitang “paa.”
“Ang nais ko’y ikaw ang makapiling ng matagal kahit pa ako’y mukhang t-nga na mula ulo, mukhang paa” biro Cong.
Sa panibagong vlog, inipon ni Kevin Hermosada ang mga lirikong nabuo ng kanyang mga kasamahan sa Congpound.
Dali-dali n’ya itong inilapat sa kanyang binubuong kanta, ngunit hindi ito naging madali para sa LIBRE band vocalist.
“Hindi madali ito. Bahala na kung ano ang kakalabasan ng kantang ‘to!” aniya.
Minabuti ni Kevin na gumawa ng sariling bersyon ng chorus para sa kanta upang tumugma sa mga naibigay na liriko ng mga kasama.
Ibinahagi ni Kevin ang nabuong kanta na pinamagatang “Aalagaan” sa tulong ng pianist na si Jan Austin at pagtugtog ng gitara ni Cong TV.
Ibinunyag din ni Kevin na lalabas ang kanilang ginawang kanta sa online streaming platform gaya ng Spotify.
Watch the full vlogs below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.