Matapos ang sold-out concert ng KPop group na TWICE sa Philippine Arena noong September 30 at October 1, hindi pa rin natatapos ang TWICE fever sa Pinoy Once hanggang ngayon.
Dalawa sa grupo ng Team Payaman ang napansin ng netizens na may pagkakahawig sa TWICE members na sina Dahyun at Jihyo!
Isa ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa nakisaya sa nagdaang TWICE Ready To Be Concert noong Oktubre 1 sa Philippine Arena.
Hindi napigilan ng mga dumalo na mapansin ang ganda at pagkakahawig ni Vien sa vocalist at lead rapper ng TWICE na si Dahyun.
Noon pa man, hindi na ipinagkakaila ni Vien na isa sa mga bias nito ang nasabing bokalista at minsan na niyang ginaya ang makeup look nito sa kanyang Dahyun Transformation vlog noong 2020.
Matapos ang tatlong taon, hindi pa rin nawawala ang pagkakahawig nito sa nasabing TWICE member, at lalo pa itong napansin ng mga netizens at mga dumalo sa concert.
Antoinette Jamaica Hipolito: “Swerte naman ni Junnie, nakita niya si Dahyun tapos kasama niya pa pauwi ‘yung isang Dahyun [Vien]!”
Anika: “Lugi sayo yah [Junnie], inuwi mo si Dahyun”
Kimberly Castro: “Swerte naman ni Junnie katabi n’ya si Dahyun!”
Abigail Jimenez: “Swerte mo Junnie nauwi mo si Dahyun!”
Angellifer Pangilinan: “Kahawig talaga siya [Dahyun] ni Vien Iligan-Velasquez”
Bukod kay Vien, isa rin si Viy Cortez sa mga nakikitaan ng netizens ng pagkakahawig sa TWICE member, leader, at bokalista na si Jihyo.
Madalas na itong napapansin ng mga supporter ni Viy sa kanyang mga inuupload na mga litrato, vlogs, at TikTok videos dala ng kanyang major glow up.
Sa isang TikTok video nitong umabot ng mahigit 9 million views, inulan ng papuri si Viviys dahil sa hindin maitatangging pagkakahawig sa nasabing TWICE member.
Inosuketheprincess: “Grabe talaga Tan Jihyo!”
Rewelskie: “Si Princess Wow ay nagiging Jihyo na”
Regine: “Jihyo mommy version. Ang ganda n’yo po Ms. Viy!”
Dave: “Grabe ka na Jihyo!”
Hindi naman naniniwala si Viy Cortez sa mga papuri ng kanyang mga taga-panood.
“‘Wag kayo mag-away. Alam kong ‘di ako kamukha, ang ganda ganda n’ya,” biro ng VIYLine CEO.
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…
Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…
Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…
Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…
This website uses cookies.