Junnie Boy and Vien Velasquez Showcase Live Selling Skills for Shopee 10.10 Brands Festival

Bukod sa pagiging content creator, endorsers, at negosyante, pinasok na rin ngayon ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang pagiging live seller. 

Sa nagdaang Shopee 10.10 Brands Festival ay ipinamalas ng Team Payaman power couple ang kanilang live selling skills na talaga namang hinangaan ng mga viewers. 

Live Seller Era

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito ang naging live seller raket nila ng asawang si Junnie Boy.

Suot ang kanilang matchy orange and cream outfit, sumabak sa pang malakasang live selling ng Shopee Live ang dalawa. 

“So guys, tignan nyo kung paano magbenta ang mga walanghiya!” biro ni Junnie Boy. 

“Boy, meron akong benta!” pagbati nito sa mga live viewers. 

Sa loob ng higit dalawang oras ay nasubok ang galing sa pagbebenta ng mag-asawang vlogger. Hindi na bago kina Junnie at Vien ang pagiging live seller dahil madalas din magbenta online ang mga ito sa kanilang mga negosyo gaya ng MuyVien Apparel at Giyang Clothing

Sari-saring produkto ang kanilang ibinenta gaya ng baby products, laundry products, at maging makeup items na sinubukan pa mismo ni Junnie Boy

Naging tagumpay naman ang live selling session ng dalawa na tinapos nila sa pagsasalo sa hapunan.

“So tapos na tayo mag live live live! Grabe naging liveseller pa tayo for tonight, 2 hours din yon ah?” ani Mommy Vien.

Nagpasalamat din ang mga ito sa mga nanood at namili habang sila ay live sa Shopee. 

Family Bonding

Samantala, sa nasabi ring vlog ay ipinasilip ni Vien ang kanilang family bonding bilang selebrasyon sa kaarawan ng kanyang mga kapatid na sina Vianne at Vienna. 

Binigyan din ni Mommy Vien ng quick tour ang kanyang manonood sa Elaren Garden Villa sa Alfonso Cavite kung saan sila namalagi. 

Sinamantala naman ng mag-amang Junnie at Mavi ang pagkakataon na makapag swimming lesson sa pool sa nasabing villa. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

2 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

2 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

2 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

3 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

4 days ago

This website uses cookies.