Clouie Dims Tests Team Payaman Acting Skills With New Acting Challenge

Isang panibagong hamon ang ikinasa ni Clouie Dims sa kapwa Team Payaman vloggers nito na talaga namang naglabas ng kanilang bagong talento. 

“We’re back, at ito na naman ang isang video kung saan mate-test ang ating acting skills!” bungad ni Clouie sa kanyang bagong vlog.

Matatandaan na kamakailan lang ay napabilang si Clouie sa cast ng blockbuster movie na “A Very Good Girl” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon.

“Pero doon na lang ba matatapos ang acting skills natin? Siyempre hindi!” ani Clouie. 

Team Payaman Acting Challenge

Agad humanap si Clouie Dims ng mga makaka-eksena para ma-practice ang kanyang pag-arte.

“Syempre kailangan natin ng mga co-actors! Sino pa ba ang mga co-actors natin kundi yung mga kasama natin sa bahay!” 

Hindi pwedeng ako lang ang sumabak sa aktingan, kailangan lahat kami makakaranas!”

Unang sumabak sa aktingan ang Sri Lankan editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama at nagbitaw ng ilang linya mula sa pelikulang “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Sunod si Boss Keng na ginaya ang iconic na aktingan at linya ni Carlo Aquino sa pelikulang “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”

“Best actor talaga! Grabe na yung acting skills!” pagpuri ni Clouie kay Boss Keng. 

Sagot naman nito: “I was born for this!”

Nagbatuhan naman ng emosyon at linya ang mag-asawang Kevit at Abigail Hermosada na animoy makatotohanan ang away. 

Maging ang “method actor” na si Yow Andrada ay hindi nakalampas sa hamon ni Clouie at nagpakita ng kanyang mga natutunan sa pag-aartista. 

Samantala, hindi naman umatras sa hamon si Cong TV, at nagpakita pa ng kanyang talento sa pag-luha sa harap ng camera. 

“Okay po ba yung akting ko, direk? Maraming salamat po sa inspirasyon, direk. Medyo nakakagulat lang pero, ready naman po talaga ako umakting every time may gusto kayong ipagawa sakin, direk,” biro ni Cong TV.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.