Tinupad na ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, ang ipinangako nito sa dating kasamahan sa Payamansion na si Kuya Inday.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay binista ng resident chef ng Team Payaman ang dating caretaker ng Payamansion sa Dumaguete City.
Pero bukod sa pinagsaluhan nilang adventure sa nasabing probinsya, isang surpresa pala ang inihanda ni Chef Enn para sa kanyang kaibigan.
Sa nakaraang vlog ni Chef Enn, ipinakita nito ang bagong buhay ni Kuya Inday kung saan naantig ang puso ng netizen sa kasipagan nito sa kanyang bagong hanapbuhay bilang mangingisda.
Bagamat mas mahirap kumpara sa dati niyang trabaho bilang tagapangalaga ng Payamansion, nagsisikap pa ri si Kuya Inday upang mabigyann ng disenteng pamumuhay ang kanyang pamilya.
Dahil naranasan ni Chef Enn ang pinagdadaanan ni Kuya Inday bilang mangingisda, mas lalo nitong na-appreciate ang lahat ng mangingisda at magsasaka.
“Nawa po ay maging aral at inspirasyon sa’tin ang mga mangingisda na naghihirap sa gitna ng dagat. Talaga namang mahirap yung buhay dito sa isla, lalo kung mangingisda ka syempre buwis buhay yan,” ani Chef Enn.
Ipinangako rin nito na ang kikitain ng nasabing video ay mapupunta sa kaibigang si Kuya Inday.
Samantala, sa bagong YouTube vlog ni Chef Enn ay ibinahagi nito ang naging reaksyon ni Kuya Inday nang ipahatid na ang ipinangakong parte ng kinita ng nasabing Dumaguete vlog.
“Pre, salamat pre!” laking gulat ni Kuya Inday nang iabot sa kanya ang pera.
“Malaking tulong ‘to sakin sa gamit ko sa bangka, para pagbalik mo meron tayong sasakyan ulit. Pre, maraming maraming salamat sayo sa binigay mo sa’kin, akala ko naman biro lang ‘to,” dagdag pa nito.
Samantala, ipinangako naman ni Chef Enn na babalik ito sa Dumaguete para muling maka-bonding si Kuya Inday.
Watch the full vlog below:
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
This website uses cookies.