Vien Velasquez Got Emotional, Realizing How Fast Her Kids Grow

Hindi napigilan ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez maging emosyonal matapos mapagtanto kung gaano kabilis lumaki ang mga anak nila ng kapwa vlogger na si Junnie Boy. 

Ang mag-asawang Junnie at Vien ay may dalawang anak na sina Von Maverick, a.k.a Mavi, 4-taong gulang at Alona Viela na ngayon ay sampung buwang gulang na. 

Decluttering

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang ginagawang pag-declutter upang mabawasan ang mga gamit sa bahay. 

Ayon sa 26-anyos na vlogger at negosyante, una na niyang niligpit ang mga gamit nilang mag-asawa at planong ibenta ang mga pre-loved clothes nila ni Junnie Boy

Sunod namang inayos ng MuyVien Apparel lady boss ang gamit nina Kuya Mavi at Viela, ngunit hindi napigilan ang emosyon nang makita ang pinagliitang damit ng kanilang bunso. 

“Medyo nagiging emotional lang ako kasi naaalala ko lang nung baby siya. Ang bilis, October na ngayon, so 3 months na lang mag one year old na siya,” ani Mommy Vien habang binabalikan ang mga araw na sanggol pa lang si Viela. 

“Akalain mo yun, ganito lang siya kaliit dati?” dagdag pa nito. 

Maya-maya pa ay nagbago ang isip ni Mommy Vien at sinabing hindi na lang niya ibebenta ang mga lumang damit ni Viela. 

“Parang ayoko ibenta kasi nga, wala lang, memories din kasi. Tapos may mga amoy niya. Nakakalungkot, ang bilis lumaki ng mga anak ko.”

Junnie Dad to the rescue

To the rescue naman si Daddy Junnie para pakalmahin si Mommy Vien.

“Okay ka lang?” tanong ni Junnie sa kanyang misis, sabay yakap ng mahigpit. 

“Ayaw mo ibenta?” dagdag pa nito.  

Kwento naman ni Vien, wala rin aniya siyang balak ipamigay o ibenta noon ang mga pinagliitang damit ni Mavi, ngunit kinailangan niyang i-donate ito sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Mayon noong 2020. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

3 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

7 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.