Matapos ang binyagan, sunod namang inasikaso ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang passport application ng kanilang panganay na si Isla Patriel.
Alamin ang mga kaganapan sa likod ng “mini family errand” ng munting pamilya nina Pat at Keng.
Sa kanyang vlog, isinama ni Mommy Pat ang kanyang mga manonood sa kauna-unahang passport application ni Baby Isla.
“Kukuha kami ng passport ni Isla dahil this year, bago matapos ang taon na ito ay magja-Japan kami, pupunta kami ng Disneyland!” ani Mommy Pat.
Pagdating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi naman pinahirapan ni Isla ang kanyang Mama nang kunan ito ng passport photo.
“Good job love, good job!” pagbati ni Mommy Pat.
“Sobrang cute ni Isla. Sobrang cute niya sa picture niya kasi naka-smile na siya,” dagdag pa nito.
Makalipas ang ilang araw ay dumating na rin ang passport ni Isla na ikinagalak naman ng first-time parents.
“Ready na kami, tuloy na tuloy na talaga s’ya [Japan trip]” ani Pat.
Sunod naman sa agenda ng Pamilya Gaspar ay ang kanilang mandatory family day bonding tuwing Linggo.
Una sa kanilang listahan ay ang pamamasyal, pero bago pa man makarating sa kanilang destinasyon ay ibinida ni Mommy Pat ang ilan sa mga kagamitang nakakapagpadali ng kanilang pag-aalaga kay Isla.
Una na rito ang moon pillow na nakakatulong sa pagbuhat kay Isla habang ito ay natutulog. Kabilang din sa kanilang travel essential ang nursing cover, diaper changing pad, baby cap, lampin, bag of clothes, at diaper bag.
Pagtapos mamasyal ay kadalasang nagsisimba ang Pamilya Gaspar tuwing hapon at saka maghahapunan sa labas.
Sama-samang kumain ang Pamilya Gaspar kasama ang ilanng kamag-anak sa isang restaurant sa isang mall.
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.