Junnie Boy Accepts Vien Velasquez’s Vlog Wars Challenge for October

Para sa buwan ng Oktubre, muling sasabak sa tinaguriang “Vlog Wars” ang mag-asawang Team Payaman vlogger na sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez. 

Sa kanyang unang vlog entry ngayong Oktrubre, ibinahagi ni Junnie Boy ang pagsisimula ng hamon sa pagitan nilang mag-asawa. 

iPhone 15 Prank

Simple lang ang batayan ng “Vlog Wars,” kung sino ang may pinakamaraming upload na vlog para sa buwan ng Oktubre ang tatanghaling panalo. 

“Sabi niya October labanan tayo padamihan ng vlog!” ani Junnie Boy. 

“So ngayon sisimulan natin, sige guys, padamihan daw. Tignan natin kung gaano kadami magagawa nating vlog ngayong October,” dagdag pa nito. 

Bilang bwena mano sa gagawing hamon, naisipan ni Junnie Boy na bilhan ng bagong cellphone si Vien Iligan-Velasquez at i-prank ito bilang ganti sa dating prank ng misis, kung saan nilagyan nito ng tuna ang kahon ng iPhone 14.

“Ngayon pre, babawian lang natin siya, panimula lang.  Bibilihan natin siya ng iPhone 15, tapos ang ilalagay natin timbangan (food scale), kasi naggy-gym na siya ngayon.”

Sa tulong ng Team Payaman-trusted mobile phone seller na Mobile Cart PH ay naisakatuparan ang unang hakbang sa prank ni Junnie.

Vlog Wars On!

Pagkatapos bumili ng bagong iPhone 15 sa Mobile Cart PH ay agad umuwi ng bahay si Junnie para surpresahin si Vien.

“Dahil ikaw ay mabuting ina at talagang masigasig ka sa lahat ng bagay, ito ang gift for you,” ani Junnie Dad.

Pagbukas ni Vien ng kahon ay laking gulat nito nang makita ang maliit na timbangan ng pagkain na makatutulong naman sa kanyang diet. 

Pero hindi nagtagal ay ipinakita na rin ni Junnie Boy ang tunay na surpresang bagong iPhone 15.

“Big time si Junnie Boy kahit hindi nag-a-upload!” biro ni Vie=

Sagot naman ni Junnie: “Kasi chinallenge nya ako, pre. Alam ko mananalo ako kaya regalo ko na yan sa kanya.”

Sino kaya ang magwawagi sa gagawing Vlog Wars ng mag-asawang Junnie at Vien? Abangan!

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.