Team Payaman Fitness Challenge Winner to Get More Than 1M Prize?

Bukod sa tumataginting na P1M, isang hindi mapapantayang premyo umano ang makukuha ng sinumang mananalo sa 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman na sinimulan noong Setyembre. 

Ano naman kaya ang pang malakasang gantimpala ang naghihintay sa mga kumasa sa hamon ni Cong TV?

Health is Wealth

Sa bagong vlog ng content creator doctor na si Doc Alvin Francisco, ibinahagi nito ang ilang tagpo sa loob ng month-long fitness challenge ng Team Payaman.

Hindi rin nito pinalampas na makiisa sa pag-eehersisyo ng mga kaibigan sa Congpound gym.

“Actually lagi kong sinasabe kay Boss Cong na ang laking tulong nitong ginawa n’yang fitness challenge kasi ang dami n’yang viewers. So, ang galak ng puso ko kasi madami magbebenefit dito,” ani Doc Alvin. 

Ayon pa kay Doc Alvin, malaking halaga ng pera ang maaaring matipid kung ang isang tao ay nagsisimula nang alagaan ang kanyang kalusugan habang bata pa.

“Kung magsisimula na tayo maging fit, isa na ‘yon sa mga ways para hindi ka magkaroon ng comorbidities,” paliwanag nito.

Isa aniya sa mga maiiwasang gastos ay ang pagbili ng mga mamahaling gamot at mga medical procedures na kakailanganin kung magkakasakit.

Nilinaw naman ni Doc Alvin na kung nais mong magsimula sa pag-eehersisyo, hindi kinakailangan na magsimula sa mabigat na workout.

“Ang nirerekomenda ng CDC ay at least 150 minutes of exercise every week. Move more, sit less,” aniya.

More Than Just A Million

Bukod sa isang milyon, may mas malaking premyo pa ang maiuuwi ang mananalo sa Team Payaman Fitness Challenge.

Sa nasabing vlog, ibinunyag din ng Team Payaman founder na si Cong TV kung ano nga ba ang kalakip ng pagiging Fitness Challenge Winner.

“Siguro ‘yung pinakamahalaga rito is ‘yung disiplina. Kasi isa ‘yun sa bagay na magiging rason bakit ka magtutuloy-tuloy gawin. And ‘yung 1 million talaga parang ano lang ‘yan eh, parang motivation sa simula.”

Dagdag pa nito: “Eventually, sana masanay tayo [alagaan ang sarili] and maging routine na natin s’ya kasi diba it takes 21 days to build a habit.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

9 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

13 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.