#ParasaiPhone15: Boss Keng and Pat Gaspar Take on Epic Dance Challenge

Isang panibago at masayang challenge na naman ang hatid sa atin ng Team Payaman Game Master na si Boss Keng. 

Sa pagkakataong ito, hinamon ni Boss Keng ang misis niyang si Pat Velasquez-Gaspar kapalit ng isang brand new iPhone 15 Pro Max. Nagtagumpay naman kaya si Mrs. Gaspar?

Buhatin mo ako, beybe!

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng kung papaano nito hinamon ang asawang si Pat Gaspar sa isang dance challenge. 

Para mas ganahan ang misis, inibunyag ni Keng na sa oras na mapagtagumpayan nila ang hamon ay isang surpresang regalo ang naghihintay para sa kanya. 

“Pag nagawa namin ‘to, bibigyan kita ng iPhone 15,” ani Boss Keng. 

Agad pinakita ni Keng ang video mula sa TikTok na may mag-pares na nagsasayaw kung saan buhat ng lalake ang babae habang kumekembot ito na animo’y sirena.

Hindi naman tinanggihan ni Pat ang hamon ang sinimulang mag ensayo ng kanyang pag kembot.

“Challenge accepted. Kasi yung core ko, talagang pinapatibay ko ‘tong core ko,” pagbibida ni Pat. 

“Kaya mo ba ko? Nakabuhat ka na ba ng 67 kilos?” tanong nito sa mister. 

iPhone 15 secured, beybe!

Pero bago tuluyang gawin ang challenge, siniguro muna ng mag-asawa na mahimbing ang tulog ng kanilang panganay na si Isla Patriel.

Pinangalanan nila ang nasabing challenge bilang “Buhatin mo ako, beybe! Pero ‘wag mo gisingin ang beybe ko!”

Halos maka ilang subok sina Boss Keng at Pat Gaspar at walang nagawa kundi magtawanan sa kanilang kalokohan. Pero sa kabila ng tawanan ay mahimbing pa rin ang tulog ni Isla. 

Sa huli ay nagtagumpay naman ang dalawa sa kanilang misyon at buong pusong iginawad ni Boss Keng ang ipinangakong brand new cellphone sa kanyang misis. 

“Here’s your iPhone 15 Pro Max 1TB fully paid,” ani Boss Keng. 

“Grabe, every year updated yung iPhone ko. Thanks to Mobile Cart Ph!” dagdag naman ni Pat. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

8 hours ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

20 hours ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

20 hours ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

1 day ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

1 day ago

This website uses cookies.