Viy Cortez Claps Back at Netizen Accusing Her of ‘Misinformation’

Hindi maitatanggi na malaki talaga ang pinagbago ng pangangatawan ng YouTube vlogger na si Viy Cortez.

Dahil sa kanyang nakakabilib na transformation, hindi napigilan ng iba na kwestyunin ang naging paraan ng fiancé ni Cong TV sa kanyang pagpapapayat.

The Real Deal

Isang netizen ang nagkomento sa TikTok video ni Viy Cortez na pilit pinapaamin ang VIYLine CEO sa tunay na dahilan ng kanyang pagpayat. 

“Hindi mo na lang kasi aminin na hindi dahil sa Luxe Slim ‘yang pagpayat mo. Misinformation na kasi ‘yang ginagawa mo para lang makapagpromote,” ani netizen.

Minabuti na ng 27-anyos na vlogger na sagutin ang naturang komento upang matuldukan na ang haka-hakang sumailalim ito sa liposuction o surgery.

“Ma’am, tignan mo nga ‘yang vid na kinommentan mo. Nag gy-gym ako ‘di ba? Edi sana inupload ko tumutungga nalang ng Luxe Slim,” sagot ni Viy. 

Depensa naman ng netizen: “Wala naman masama kung pumayat ka, maging totoo ka lang kasi may audience ka na nagtitiwala sa’yo.”

Ibahagi rin ni Viy sa isang Facebook post ang kanyang reaksyon at paliwanag hinggil sa nasabing issue.

Nilinaw nito na Abril ng kasalukuyang tao ay tumigil na siya sa pagkain ng kanin na kanyang naisagawa sa tulong ng Luxe Slim na nakakatanggal ng gana kumain.

Hindi rin itinatanggi ni Viy na mayroon s’yang ginamit at binentang detox drink noon na tumulong din sa kanyang pagpayat. Paliwanag ng fiance ni Cong TV,  magkaiba ang epekto ng dalawang inumin at mas pabor sa kanya bilang ina ang pag-inom ng Luxe Slim.

“PS, Never ko pong sinabi na tama ang ginagawa ko at gayahin n’yo,” dagdag pa ni Viy.

Netizens’ Reactions

Hindi naman napigilan ng mga taga-suporta ni Viy Cortez na rumesbak sa natanggap na komento nito sa TikTok.

Molleno’s: “Hayaan mo na ‘yan, may mga tao talaga na hindi nagiging masaya para sa iba.”

Mavie Raguindin: “Go lang Ma’am Viy, support ka namin. Sana nga pumayat na din ako kaso lamon is life.”

Angela Pacaña Russel: “Oy true mawawalan ka talaga [ng gana] kumain ng rice dahil sa Luxe Slim. Wala pang 1 week, 3 kilo na nabawas sa akin.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

3 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

5 days ago

This website uses cookies.