Yow Andrada Gears Up for Team Payaman Fair With These Witty Products

Dahil nalalapit na ang Team Payaman Fair, isa si Yow Andrada sa mga naghahanda ng mga produktong ilalabas nito sa kanyang booth.

Bukod sa WLKJN merch at The Hundred Percent, may bagong imbensyon ang vlogger-musician-actor na talaga namang magpapasakit sa mga tiyan n’yo kakatawa.

Gymnatricks

Sa bagong vlog ni Yow, ipinasilip nito sa Team Payaman members ang mga produktong balak sana niyang ibebenta sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa Disyembre. 

Pinangalanan ni Yow ang kanyang bagong negosyo ng “Gymnatricks” dahil karamihan aniya sa kanyang mga paninda ay para sa mga nag-eehersisyo sa gym.

Dahil gamit sa pag-eehersisyo ang kanyang paninda, minabuti ni Yow na ipakita ito sa mga customer na mahilig mag-buhat sa gym.

“Anong tinda mo? Siguraduhin mong magagamit namin ‘yan ah?” bungad ni Cong TV.

Unang ipinasilip ng karakter ni Yow na si Tricks ang unang produktong tinawag niyang “Metropalo.” Gamit aniya ito sa pagwowork-out upang makagawa ng iba’t-ibang tunog.

Sunod naman ang “Gamotahim” na nagbibigay umano ng “wild” na enerhiya habang ikaw ay nagbubuhat o nag-eehersisyo.

Isa rin sa ibinida ni Tricks ang “Medirhyme” na naglalayong matulungan ang gumagamit na makapagsambit ng mga salitang magkakatunog.

“Lahat ng sasabihin mo, magiging magka-rhyme. Haha, ako’y natatawa!” biro ni Tricks.

Dagdag naman ni Dudut, “La, la, la, ika’y lumalala!” 

Kasama rin ang “Resistance ng resistance band” sa mga produkto ng Gymnatricks na ginawa upang makatulong sa pagwa-warm up ng mga daliri bago mag-ehersisyo.

Kung nais naman masubukan ang page-extend ng triceps, “Wooden hands of reaching in” ang para sa’yo! 

“Rugbymino Acid” naman ang isa sa produktong makakatulong sa pagpapalakas ng abdominal muscles ng isang tao.

Para tuluyang lumakas ang katawan, nagbebenta rin daw ang Gymnatricks ng “Milktayitayi” na magpapalakas ng mga kalamnan habang dumudumi.

“Linyuskabitis Activator” naman ang para sa’yo kung hanap mo naman ay equipment na makakatulong sa pagbabanat ng iyong mga kalamnan sa batok.

Para sa kanyang huling produkto, ang “Paa ko may paa-ko” ay ang tsinelas na may built-in pako, na tamang tama para sa mga nais palakasin pa ang kanilang mga binti.

The Final Verdict

Inamin ni Cong TV na unti-unti na itong nakukumbinsing bumili ng mga produkto ni Tricks ngunit…

“Gusto ko para malaman ‘yung effectiveness nito, gusto ko lang makita na gawin n’ya sa Anytime Fitness lahat,” hamon ng Team Payaman founder.

Sagot naman ni Tricks: “Ilang beses na akong nagtitinda sa inyo sir, hindi n’yo pa rin ako pinagbibilhan eh.”

Payo naman ng kanyang mga kasama na subukang ibenta ang kanyang mga produkto sa iba at i-expand ang kanyang market upang makabenta.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.