Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Life as a Mother-of-Two

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang buhay bilang isang ina na may dalawang cute na chikiting. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Mommy Vien kung papaano nya alagaan ang panganay na si Mavi at bunsong si Alona Viela. 

Playtime tips

Ayon sa 25-anyos na vlogger, naisipan nyang ibahagi ang kanyang buhay bilang mother-of-two upang bigyan din ng ilang tips ang mga kapwa nya mommy. 

“Para siyempre may maitulong din ako sa inyo, para sa mga katulad kong nanay,” ani Vien. 

Unang ibinahagi ni Mommy Vien ang pinagkakaabalahan ni Mavi upang maiwasan ang sobrang pagbababad sa gadgets. 

Isa sa pampalipas oras ng kanyang 4-taong-gulang na panganay ay ang Children’s Graffiti Scroll – isang coloring activity canvass kung saan maaring mag drawing at color ang mga bata. 

Meal tips

Masaya ring ibinahagi ni Mommy Vien na tuloy-tuloy pa rin ang BLW journey ng kanyang bunsong anak na si Viela na ngayon ay siyam na buwang gulang na. 

Kwento ni Mommy Vien, siniguro talaga nyang matututo si Viela na kumain mag-isa dahil ito ang isa sa mga hindi nya nagawa noon habang lumalaki si Mavi. 

Pagdating naman sa pagkain, inamin ni Vien Iligan-Velasquez na medyo nacha-challenge syang pakainin ng iba’t-ibang klaseng putahe si Mavi. 

“Ito si Mavi basta sabaw, marami siyang nakakain,” kwento ni Vien.

“So yun ang problem namin kay Mavi, not all the time naman kasi kailangan ng sabaw. So ang ginawa ko, naghanap ako ngayon ng meal plan for kids,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan ay sinusubukan aniya nila ang mga putaheng pambata mula sa Chow Baby Kids na nagugustuhan naman aniya ni Kuya Mavi. 

“This is not sponsored ha? Tina-try ko palang kay Mavi, pero effective sa kanya. So nagkakalaman siya, malakas siyang kumain.”

“Yung food na hinahain nila ay may halong gulay na hindi mahahalata ng bata.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

9 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.