Isang masayang Q&A portion ang hatid ni Kevin Hermosada, kung saan pinalabas umano nito ang tunay na ugali ng Team Payaman.
Matapos kasing makasalamuha ang mga pinsang banyaga ng kanyang asawang si Abigail Campañano-Hermosada, napagtanto nito na ang pagiging hospitable ng mga Pilipino ang isa sa mga katangian ng Pinoy na binabalik-balikan ng mga dayuhan.
Kaya naman, naisipan nitong tanungin ang mga kaibigan sa Congpound kaugnay sa pag uugali ng mga Pinoy.
Sa kanyang bagong vlog, sinabi ni Kevin Hermosada na bukod sa angking ganda ng Pilipinas, isa sa binabalik-balikan sa ating bansa ay ang serbisyo ng mga Pinoy.
“Sa katunayan, tinagurian tayong pinaka una sa Asya pagdating sa hospitality trait,” ani Kevin.
Kaya naman inalam din nito ang opinyon ng kanyang kapwa Team Payaman members kung ano ang ugaling Pinoy ang hindi nila gusto.
Karamihan sa sagot ng grupo ay ang pagkakaroon ng “Ugaling Mamaya Na” pati na rin ang nakasanayang “Filipino Time.”
“Common trait kasi ng Pilipino ay Filipino Time eh! Parang ang nararamdaman kasi ng iba dyan, yung hindi mo vina-value yung time nila,” ani Dudut Lang.
“Halimaw ako magselos,” biro nama ni Carlo Santos na video editor ni Viy Cortez.
Samantala, ayon naman sa kaibigang foreigner ni Kevin, isa sa mga pinaka ayaw nito sa mga Pinoy ay yung mga sunod ng sunod na sales attendant sa tuwing mamimili sa mall.
Para naman sa Team Payaman, dala lang siguro ito ng pagiging sobrang maasikaso ng mga Pinoy.
Ipinagmalaki ng grupo na hindi maitatanggi ang pagiging maasikaso ng mga Pilipino kaya rin nangunguna ang ating bansa pagdating sa pagiging Most Hospitalble Country.
“Yung level ng hospitality natin ay yung level na willing mag go ng extra mile para lang makatulong,” ani Dudut.
“Grabe yung hospitality natin, talagang tayo yung epitome ng hospitality,” dagdag pa nito.
Watch the full vlog below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.