ICYDK: Team Payaman’s Clouie Dims Spotted in Blockbuster Movie ‘A Very Good Girl’

Sinong mag-aakala na ang Team Payaman content creator at nobya ni Dudut Lang na si Clouie Dims ay isa sa mga cast ng blockbuster movie na “A Very Good Girl?”

Alamin ang ilan sa mga tagpo sa kauna-unahang movie cameo appearance ng isa sa mga dancing queen ng Team Payaman.

A Very Good Girl

Mapapanood na sa lahat ng sinehan ang pinaguusapang pelikulang pinagbibidahan ng Box Office Queen, Kathryn Bernardo kasama ang Golden Globes Best Supporting Actress Nominee na si Dolly De Leon.

Bukod sa kakaibang kwento at atake, isa sa mga hindi matatawarang parte ng pelikulang ito ay ang pagsasama-sama ng mga bigating pangalan pagdating sa aktingan.

Spoiler alert, dahil isa ang Team Payaman member na si Clouie Dims sa mga bumuo ng nasabing pelikula matapos nitong mapasama sa listahan ng mga aktor ng nasabing palabas.

Isa si Clouie Dims sa mga gumanap bilang kaibigan ng karakter ni Chie Filomeno, na dapat paka-abangan kung ano nga ba ang naging papel nito sa buhay ng dalawang bigating bida.

Sa bagong Instagram post ni Clouie, ibinida rin nito ang kanyang OOTD sa eksenang kasama sina Kathryn Bernardo, Dolly de Leon, at Chie Filomeno.

Clouie Dims: “Category is…velvety! #AVeryGoodGirl now showing in cinemas nationwide!”

Hindi rin nito pinalampas ang pagkakataong imbitahan ang mga taga-suporta na panoorin ang pelikulang kanyang kinabibilangan.

“Ang ganda ng A Very Good Girl!!! Kakaiba s’ya! If bet n’yo ng medyo dark, push!” aniya. 

Nood Na!

‘Wag nang magpahuli! Maging isa sa mga unang makasaksi sa bigating pelikula ng taon! ‘Wag palampasing panoorin pelikulang handog ng Star Cinema sa direksyon si Petersen Vargas.

Muli, mapapanood na ang A Very Good Girl sa lahat ng sinehan sa bansa! Dalhin na ang buong pamilya, at mga kaibigan at sabay-sabay sundan ang paglalakbay ni Philo tungo sa pagkamit ng hustisya!

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.