Lipo? Viy Cortez Breaks Silence on Her Weight Loss Speculations

Nagsalita na si Viy Cortez kaugnay sa mga haka-haka ukol sa kanyang nakakabilib na weight loss transformation. Sinagot din nito ang mga akusasyon na dumaan siya isang surgical procedure upang pumayat. 

Matatandaang namangha ang netizens sa laki ng pinayat ni Viy higit isang taon matapos ipanganak ang panganay nila ni Cong TV

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin na ng 26-anyos na vlogger at negosyante ang katotohanan sa likod ng kanyang pagpayat. 

The secret

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez ang naging susi sa kanyang pagbabawas ng timbang.

“From 94klo pagkapanganak naging 60klo na ko dahil sa pag tanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain at pag inom ng Luxe Slim,” ani Viviys kalakip ang larawan noong bagong panganak ito kay Kidlat. 

Pero sa kabila nito ay tuloy-tuloy pa rin aniya ang pagpapapayat niya para makamit ang kanyang target weight. 

Kabilang sa mga ginagawa nya ngayon para pumayat ay ang pag-eehersisyo at pagsubok ng mga diet meals.

“Kaya naman 4 na araw na ko nag gy-gym ipagdasal nyo naman ako na matagalan ko to hahahaha! Plus sumusubok din ako mag tennis ngayon. Pero nag aaral pako hahahaha!” 

“Sumusubok na din ako ng diet meals ngayon para mas tama ang calorie count ko kada araw ang pinapatake lang sakin ay 1500 per day.”

Nagbigay din ng tips si Viviys sa mga kapwa nyang nasa kalagitnaan ng kanilang weight loss journey. 

“Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare kailangan nyo po ito samahan ng effort para mas makita nyo ang result.”

Lipo debunked

Hindi rin pinalampas ni Viy Cortez ang pagkakataon na sagutin ang haka-haka ng netizens na dumaan siya sa liposuction sugergy upang mabawasan ang timbang.

“Nagpa lipo ba ako? Hindi pa sa ngayon pag naka tatlo anak nako. Baka dun na!” pag-amin ni Viy.

“Sobrang dami ko nakikita na sinabi nagpalipo ako. Di ko alam kung ma ta-touch ako o mabwibwisit eh hahahaha!” biro pa nito.

Nangako naman si Viviys sa kanyang mga taga-suporta na maglalabas siya ng vlog tungkol sa kanyang weight loss journey. 

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.