Dahil hilig ni Clouie Dims ang pagsasayaw, naisipan nitong hamunin ang mga kasamahan sa Congpound na kumasa sa kakaibang dance challenge.
Alamin kung sino nga ba ang pumasa sa panlasa ng mga netizens pagdating sa sayawan. Sino kaya ang tatanghalin na Dancing Queen o King ng Team Payaman?
Sa bagong vlog ni Clouie Dims, ibinahagi nito ang nakakatuwang tagpo sa likod ng kanyang “Eksena mo, Isayaw mo!” challenge.
Ang hamon ay magsisimula sa pagbunot ng eksena o senaryo at kailangan sayawin ito ng maayos ng makakabunot.
Unang pinabunot ni Clouie si Kevin Hufana, na napili ang senaryo ng “morning routine,” na kailangan n’yang ipakita sa pamamagitan ng pagsasayaw.
Sunod na sumabak sa hamon ay ang Executive Assistant ni Viy Cortez na si Patricia Pabingwit na nabunot ang senaryong “bulate na inasinan.”
Hindi napigilan ni Clouie na matawa sa kakaibang moves ng kanyang kaibigan: “Ayan, thank you po sa ating bulate!”
Si Kevin Cancamo, a.k.a. Geng Geng naman ang sunod na napasayaw ni Clouie sa senaryong “naliligaw”
Syempre, hindi pinalampas ni Clouie Dims na bumisita sa Congpound Gym upang humanap ng iba pang mga kalahok.
Una nitong inabutan ang nobyong si Dudut Lang na nabunot ang senaryong “nadapa sa harap ni crush.”
“Nakatapak ng tae” naman ang nakuhang na senaryo ni Kevin Hermosada na kanyang idinaan sa interpretative dance.
Napili naman ni Burong ang senaryo na kung saan kailangan ipakita ang emosyon matapos makipaghiwalay sa jowa.
Isa rin si Steve Wijayawickrama sa mga nabiktima ni Clouie Dims sa kanyang dance challenge at ipinakita ang dance moves ng isang nalaglag na dahon.
Katatawanan naman ang hatid ni Yow Andrada nang mabunot nito ang senaryo na parang binabangungot.
Sunod na sumalang si Michael Magnata, a.ka Mentos at agad ipinamalas ang galing sa pagsayaw habang ipinapakita ang moves ng isang taong magkakaroon ng pakpak.
At syempre, hindi papahuli ang Team Payaman Headmaster na si Cong TV sa pagpapamalas ng kanyang dance moves nang mabunot nito ang senaryong sumasakit ang ngipin.
Sa huli, sinurpresa ni Clouie Dims at nobyo nitong si Dudut Lang ang kanyang mga manonood nang pagsama-samahin nito ang dance steps na nagawa ng kanyang mga kasamahan.
“Nakakapawis s’ya! Ayan pwedeng pang-zumba!” biro nito.
Dahil madami-dami din ang nagpamalas ng kanilang angking galing sa pagsasayaw, hindi napigilan ng netizens na mamili ng kanilang manok sa nasabing dance challenge.
@jessabelrayoso5658: “I’ll vote for Mentos and Cong TV!”
@sherriemayvolante5228: “Cute nung dance combination n’yo ni Dudut! Panalo talaga ang dance moves ni Boss Cong!”
@kayeannbanez1119: “Haha in fairness, hindi ko inexpect ang twist sa huli na pagsasama-samahin pala. haha. Kakatuwa ang TP, support talaga sila sa mga kasamahan kahit anong trip. Hilahan pataas! Pawer!
Watch the full vlog below:
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…
Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…
Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…
Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…
Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…
Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…
This website uses cookies.