Bago muling makasama ang kanilang mga fans sa inaabangang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa Disyembre, sumabak muna sa pang malakasang game show ang buong Team Payaman.
Pero hindi ordinaryong game show sa telebisyon ang sinalihan ng mga ito, kundi ang bagong pakulo ni Viy Cortez na “The Viylage Show.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang lahat ng residente sa bawat bahay sa Congpound kung saan naninirahan ang biggest content creator group sa bansa, ang Team Payaman.
Sa pangunguna ni VIYLine CEO Viy Cortez, hinamon niya ang mga Team Payaman sa isang matinding laro na susubok sa talas ng isip ng bawat isa.
Para sa unang episode ng “The Viyllage Show” ay naglaban-laban sa isang game show ang bawat house hold sa Congpound at nahati sa apat na grupo:
Ang mechanics ng laro ay simple lang, mayroong limang kategoryang pagpipilian ang mga kalahok. Bawat kategorya ay may kaakibat na limang tanong na mayroon ding katumbas na premyo. Sa bawat tamanong sagot ay makukuha ng grupo ang premyo, ngunit bawat maling sagot ay ibabawas sa kanilang naipong puntos.
Ang grupong makakakuha ng pinaka mababang puntos ay tatanggap ng kaukulang parusa.
Sinagot ng bawat grupo ang iba’t-ibang katanungan gaya ng “Sino ang most followed athlete on Instagram?”, “Sino ang dating nakatira sa Team Payaman?”, “Ano ang real name ni Cong TV?”, at marami pang iba.
Sa huli ay walang nanalo sa bawat grupo at tinaguriang kulelat ang House A sa dami nang maling sagot. Matapang naman nilang tinanggap ang parusa at isa-isang nagpa-wax sa Congpound.
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.