Boss Keng Shares Glimpse of Photoshoot as KYMCO Philippines Brand Ambassador

Bilang bagong brand ambassador ng KYMCO Philippines, sumabak sa pang malakasang photoshoot si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng OG Team Payaman vlogger ang ilang kaganapan sa likod ng kanyang unang solo photoshoot bilang endorser ng nasabing motorcycle brand. 

Brand ambassador things

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Boss Keng sa kanyang vlog na opisyal na siyang kinuha bilang brand ambassador ng KYMCO Philippines

Ito ay matapos matuwa ang KYMCO management sa ginawawang pag surpresa ni Boss Keng ng bagong motorsiklo kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar. 

Pero sa kabila ng pagiging content creator sa mahabang panahon, inamin ni Boss Keng na hindi pa rin siya sanay sa mga photoshoot, lalo na kung solo lang siya. 

“Sa mga hindi nakakaalam, sobrang nahihirapan ako sa mga photoshoot or pictorial kung tawagin, dahil hindi ko maiwasang matawa,” pag-amin ni Boss Keng. 

Kaya naman, nagpasama ito sa kaibigan na si Albert upang turuan siya sa mga tamang posing at galawan habang nasa gitna ng pictorial. 

Pagdating sa studio ay sumalang na si Boss Keng sa hair and makeup, kung saan inayusan siya ni  Maria Love Gardie – isang batikang celebrity makeup artist na personal makeup artist din ng aktres na si Lovi Poe. 

Matapos ayusan ay sumalang na sa kaliwa’t-kanang pictorial si Boss Keng kasama ang iba’t-ibang modelo ng motorsiklo mula sa KYMCO Philippines. 

Habang sa gitna ng photoshoot, inamin ni Boss Keng na hindi siya eksperto pagdating sa pag project sa harap ng camera

“‘Di po kasi ako marunong magalit, kaya wala akong angas sa katawan. Ang meron po ako saya lang,” ani Boss Keng. 

Sa huli ay ibinahagi naman ng batikang Team Payaman member ang mga napagtanto nito sa natanggap na biyaya. 

“Naniniwala ako na ang buhay ay puno ng pagkakataon, kailangan mo lang maniwala para magtagumpay. Dahil walang bagay na hindi mo kakayanin kung talagang gusto mo.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

11 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

1 day ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

2 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

4 days ago

This website uses cookies.